Andito kami sa bahay at nagluluto ako ng ulam at si Xiara naman ay naghihiwa ng iba pang rekados.
“May gusto dun sa isa sa mga kaibigan nang crush ko?” Tumango ako.
“Kailan ko lang din nalaman nagkabanggaan daw sila nung first day of school eh nung first sem” kwento ko.
“Na love at first sight ganun” tumango ako.
“Naku, wag niya nang magustuhan yun” kumunot ang noo ko.
“Bakit?” bigla kong tanong.
“May girlfriend na yun” di ko alam kung ano mararamdaman ni Megan kapag nalaman niya na may girlfriend na yung crush niya.
“Masyadong selosa yung girl kung gusto pa niyang manatili doon sa UP iwasan niya na lang at wag na niyang gustuhin yun mawawala lahat ng sakripisyo niya” tumayo na siya at binigay na sa akin ang hiniwa niyang sayote at hinimay na malunggay.
“Oo nga pala saan ka kumuha ng malunggay?”
“Dun sa tabing bahay ni Aling Pasing” lumukot ang mukha ko.
“Shuta ka! Alam mo naman iniihan ng mga tambay yun” hinampas ko sa kanya ang tangkay ng malunggay.
“Di naman sa mismong gilid dun yung katabi nun ay nasa kalsada na” sabi niya.
“Sa loob ba ng bakuran?” Tumango siya.
“Di naman ako siraulo para kumuha dun eh. Sabi nga nila kumuha daw dun si Ate Jaya nung niluto daw akala nila may umihi na di nagbubuhos eh yung pala sa ulam tapos tinikman daw ng mga anak niya mapait raw” paliwanag niya.
“Tss! Mga siraulo kasi sa lahat nang pwedeng ihiian sa puno pa ng malunggay” pagrereklamo ko.
“Ayaw naman ipatanggal ni Aling Pasing iinit daw” kinuha niya ang cellphone sa tv stand at binuhay niya ito. Niluluto ko pa rin ang ulam namin na tinolang manok.
Pumunta sa akin si Xiara at may ipinakita siyang picture nung babae.
"Ito yung girlfriend ni Jervy" ipinakita niya sa akin masasabi ko lang na napakaganda niya at mukha siyang isang modelo.
"She's a model but masama ang ugali" describe niya sa babae.
"Di ko nga alam kung ano nagustuhan ni Jervy dun sa babaeng iyon eh kaya sinasabi ko wag na niyang pangarapin si Jervy masasayang lang ang pinaghirapan niya dahil ayaw niya sa lahat ay may lumalandi sa boyfriend niya" itinuon ko ulit ang atensyon ko sa pagluluto ng ulam namin.
***
"Ha? May girlfriend na siya?" Tumango ako.
"Ano ka ba naman crush ko lang siya at di gusto magkaiba yun" sinipsip niya ang shake na binili namin.
"Sinabi ko lang para di ka tuluyang mahulog sa kanya" paalala ko.
"Alam ko naman at saka isa pa di ko muna priority yung magkaroon ng jowa study and career first muna ako" kumibit ang balikat ako.
"Basta ako sa kaklase lang natin ako may gusto" naningkit ang mata niya.
"Sa pagkakaalam ko bigla kang nahiya nung ipinatawag ka ni Ms. Lopez sa harap kasama si Dave" panunukso niya. Binalibag ko lang siya ng tissue.
"Tumigil ka nga" pagsaway ko.
"Oo na" tumawa lang siya at sabay kagat ng waffles at humigop ng shake.
"Oo nga pala next time kapag vacant natin pasyalan naman natin yung sweet cafe dun sa likod" pag-aya niya.
"Sa friday wala tayong klase sa isang subject at isa pa nakacivilian na tayo nun kaya go ako dyan" napa-yes naman siya at ako ay tumawa lang pero biglang may narinig kaming nagbubulungan at lumingon kami kung saan galing yun.
"Oh, Xiara bakit ka nandito?" lumingon ako kay Xiara at kumunot ang noo.
"Nagrestroom ako at naabutan ko na lang na inaaway na naman ni Leila si Winnie dahil siya ang nakasagot dun sa pinakamahirap na tanong. Sa tingin ba niya kaya niya yung kaya gusto niyang sumagot at tumama yung sagot. Di naman kasi siya nag-aaral eh" bulong niya.
"Puro paganda lang ang alam kapag may bumibida-bida sa klase inaaway niya" sumbong niya.
"Bakit di niyo sinusumbong sa admin or sa detention office?" takang tanong ko.
"Walang naglakas ng loob eh" saad niya.
"Eh saan ka muna magstay?" tanong ko.
"Sa library papuntahin ko na lang yung dalawa roon" tinuro niya ang dalawang friends niya. Tumango na lang kami at saka tumayo para pumasok na sa loob ng classroom sumorkat na lang kami para di kami masama sa gulo. Pati ibang mga courses dinadamay niya sa kabwisitan niya sa buhay.
"Naku, wag mo na lang ipagkalat na may gusto ako sa kanya ah" tumango ako.
"Promise yun" pumasok na kami at narinig kami na nag-usap-usap mukhang pinag-uusapan nila ang nangyari sa cafteria kanina.
***
"Grabe pala yung ugali nung girlfriend ng crush ni Megan parang binili niya lahat ng nag-aaral sa UP para ganun-ganunin niya lang" sabi ko.
"Naku sinabi mo pa sabi ko nga dun sa dalawa na wag muna kaming kumain dun eh para di kami mapagtripan ng mga alipores niya" nilagay niya ang mga pinaghubaran sa basket. Free na silang magcivilian dahil wala talaga silang permanent uniform kami lang talagang mga nursing students.
"Sabagay iwas gulo na din ako naman dun ko na inaya si Megan sa Sweet Cafe dahil gustong gusto niyang kumain dun" kwento ko.
"Naku tama yung desisyon mo para iwas na rin siya kay Jervy para mawala yung pagkakagusto niya doon" napalumbaba ako.
"Eh ikaw dapat di mo na rin magustuhan yung crush mo baka awayin ka rin ng mga iyon" saad ko.
"Tss! Di uubra ang mga yun sa ladilabs ko noh" kumunot ang noo ko.
"Paano di uubra?"
"Ayaw niya sa mga babaeng linta kung kumapit saka napakaruthless nun at masungit. Kaya naman naging masungit yun nung iniwan siya ng fiancé niya 2 years ago" paliwanag niya.
"Ha? Fiancé? Na ganun ang age" Tumango siya.
"Pwede yun at least mayaman yung mapapangasawa mo saka feeling ko di naman matapobre yung parents niya eh kaya wala naman naging problema yung girlfriend lang niya ang may problema" kwento pa niya.
"May tanong ako"
"Ano yun?"
"Yung bang babae kanina yung bang may-ari ng UP?" Umiling siya.
"Shareholder lang sila pero mas malaki dun sa pamilyang Caballero" saad niya.
"Oww" tumango na lang ako.
"Grabe noh kung makaasta" tumango ako.
'Masasabi ko lang na napakamatapobre niya at di bagay sa kanila ang maging shareholder ng University dahil ugali pa lang ay nangangamoy na'
Nakarating na kami sa Sweet Cafe syempre di ko muna makikita si Dave dahil nasa library ito.
'Sana ol masipag'
"May mocha po ba kayo?" Tumango naman ang crew at nilista niya ito. Ang kinuha ko ay matcha flavor ng cake at sa drinks naman ay Iced Coffee dahil mainit na ang panahon at yung isa naman ay kinuha niya ay Frapuchino.
"Hi, how's the matcha flavor ng cake?" tumingin ako sa babae.
"Siya daw yung may-ari ng sweet cafe" bulong ni Megan.
"Okay lang po masarap siya tamang-tama yung lasa" sabi ko.
"Thank you ah ako kasi nagbake niyan I want to try bake something na di nakakasawa kaya ginawa ko yan" sabi niya.
"Para di rin magsawa yung mga costumer kung wala ibang flavor ng cake" kwento ko.
"By the way I'm Winslet and you are?"
"I'm Abigail just call me Abi and this beside me she's Megan" nag-hello naman si Megan.
"Dahil nagustuhan mo yung gawa ko I treat you two na lang" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Naku okay lang babayaran na lang namin baka kasi malugi ka" umiling naman siya.
"No, it's okay" may kinuha si Winslet sa bag niya kinuha nito ang credit card niya at binigay sa crew staff niya.
"May klase ba kayo mamaya?" Umiling kami.
"Mga 4:00 pm pa kaya mahaba-haba yung vacant namin" tumango siya. Ngumiti naman siya at nagsimula na siyang magkwento.
'Sana naman may mabait pang kasing yaman niya para same good vibes kami kapag stress na kami sa school'