Were here in the laboratory at kasulukuyang kami nagdemo ng paggamit at pagtusok ng syringe sa patient syempre kami ang pagpraktisan pero kinakabahan ako kay Megan baka magkamali siya ng pagtusok dahil kita ko palang sa kamay niya ay nanginginig na siya.
“Oy, Megan dahan-dahan lang” paalala ko.
“Oo naman” pero ako ay kinakabahan sa kanya.
“Hernandez, inhale, exhale” sinunod ko naman si Mam Karen. Paulit-ulit ko rin ginawa yun.
“Are you ready?” Tumango ako sabay pumikit dahil nararamdaman ko na ang karayom sa balat ko.
“Aww!!” Pumikit ako ng mariin dahil feeling ko ay malapit ng tumagos sa buto.
“Aspirate, then push” sinunod naman ni Megan ang instructions ni Mam pero ramdam ko yung pagpasok ng sterile water sa braso ko at masasabi ko lang na gusto ko na lang mahimatay.
“Release” tinanggal naman ni Megan ang syringe at nilagay sa isang bote ng wilkins.
“Are you okay Ms. Hernandez?” Tumango ako.
“Mam, nakakatrauma si Megan” sumbong ko tumawa naman ang mga kaklase ko at si Megan ay nakasimangot.
“Oy! Baka gantihan mo ako ah” ngumisi lang ako.
“Hey! Alam ko yung ngisi mo na yan” kumibit balikat na lang ako at kumuha na ako ng syringe at saka itinusok sa sterile water.
“So, are you ready?” ngisi ko. Nakita ko ang takot niya sa mukha.
“Abi, wag mo naman takutin yan baka mahimatay” tumawa ako.
“Hindi naman” kumuha na ako ng bulak na may alcohol.
“Please stand by” sinimulan ko na ang demo at napansin ko na biglang namutla si Megan.
“Easy, di naman malalim yan yung sayo lang talaga dahil ramdam ko pa rin yung sakit na pagdaloy ng sterile water sa kalmnan ko baka nga dumaloy sa buto yan eh” saad ko.
“Okay that's good Ms. Hernandez” ngumiti ako kay Mam. Sumunod naman ang skin test pero mapapamura na lang ako wala sa oras dahil makailang beses na itinusok ni Megan ang syringe sa akin para magcreate ng bilog.
“Shutangina” mahinang bulong ko nakahawak pa rin ako sa braso ko dahil sobrang sakit.
‘Ang bigat ng kamay niya’
“And lastly na gagawin natin is yung subcutaneous” buti na lang di na ito pinademo kay Megan dahil nakikita ni Mam Karen na nanghihina na ako dahil sa sakit ng kalamnan ko na parang akong binugbog.
“Parang gusto ko na magpadala sa clinic” biro ko.
“Ms. Sebastian you need more practice about proper handling of syringe and sa pagtusok baka kung ginawa mo yan sa patient mo maireklamo ka tingnan mo palang kay Ms. Hernandez muntik nang mahimatay nung ginagawa mo yung Intradermal” sermon ni Mam Karen.
“Sige po and sorry din po” yumuko siya at tumango na lang si Mam Karen.
***
“Shuta parang ayoko ng pumasok bukas” reklamo ko. Sinamaan ko ng tingin si Megan.
“Sorry talaga di ko nama inaasahan na biglang ako kinabahan kanina eh sabi kasi habang nagdemo magsasalbi daw ng procedure” dahilan niya.
“Hindi naman lahat eh” napaikgik na lang ako sa sakit.
“Ganito, libre na lang kita” lumingon ako kay Megan.
“Talaga?” Tuamngo siya.
“Tara punta tayo sa sweet cafe” biglang aya ko.
“Parang mamumulubi ata ako nito ah” bulong niya.
“May sinasabi ka?” Umiling siya.
“Tara na” inaya na niya ako na pumunta doon. Di na kami nagstay doon sa cafeteria dahil baka madamay kami doon dahil nagkagulo na naman dahil lang sa may nalaman na naman si Leila na may nagkakagusto kay Jervy.
“Hmm… parang gusto kong magpatusok sayo araw-araw para lang malibre mo ako sakto kasi nagtitipid ako” biro ko.
“Ayoko na ang mahal mo magpalibre” reklamo niya paano naman ako ang pumili ng kakainin ko cake syempre kinuha ko yung best seller nila pati na rin yung inumin kaya lugi siya pagdating sa akin.
“Shuta! Ayoko na baka tuluyan akong mawalan ng allowance sayo” tumawa na lang ako.
“Akala ko di na kayo pupunta rito” lumingon kami at si Winslet ang nakita namin.
“Sorry naging busy kami for the past few days eh” sabi ko.
“Tingin ko nga” ngumuso siya at nakita niya ang braso ko na puro may bandage.
“Naku wag mo nang pansinin–” sumingit ako.
“Kasalanan niya” tinuro ko siya.
“Parang pinagpraktisan ka talaga niya eh” tumawa kami at yung isa naman ay ngumuso na lang.
“Sorry naman nanginginig at kinakabahan kasi ako eh”
“Kaya ako napagbuntunan mo ganun?” sumimangot pa siya lalo.
“Nangongosensya ka lang eh para malibre kita ulit sa susunod eh pero pramis magpapraktis na ako sa amin sa bakasyon”
“Sino naman ang pagpraktisan mo?” Tanong ko.
“Yung alaga namin na pusa” muntik na akong mabulunan sa sinabi niya.
“Well good luck na lang sa alaga mong hayop” binato na lang siya ng tissue ni Megan dahil sa inis nito.
“Gia, give me a milktea and vanilla cake” tumango naman ang crew niya saka ito pumasok sa kusina.
“Wala na kayong klase?” Umiling kami.
“Wala na at kung meron man ay di na ako papasok dahil sa sobrang sakit ng braso ko” saad ko.
“Baka nga bukas ay di muna ako makapasok eh magpapadala na lang ako ng excuse letter sa pinsan ko” dugtong ko pa.
“Well sana di ka magkaroon ng lagnat kinabukasan” kumibit balikat na lang ako at sumipsip ng milktea.
Mukhang tama nga ang hinala ni Winslet dahil kinagabihan ay inapoy ako ng lagnat at uminom ng gamot. Pinagawa ko ng excuse letter si Xiara at ibigay ito kay Megan para malaman ng adviser ko ang nangyari sa akin.
“Pagkauwi ko bibilhan kita ng lugaw” tumango ako.
“Saka may iniwan akong pagkain sa lamesa and please lang uminom ka ng gamot sa lunes ka pa pwedeng pumasok ibibigay ko na lang ito kay Megan” tumango ako.
“Pagsasabihan ko na rin na wag na siyang pumunta sa cafeteria at pumunta na lang dun sa sweet cafe” ngumiti ako kay Xiara.
“Thanks” ngumiti naman siya at nagpaalam na. Humiga ako sa sofa at binuksan ang TV para manood ng netflix. Ang papanoorin ko kasi ay Sailor Moon na Eternal dahil matagal ko itong inintay na magrelease sa netflix. Wala kasi sa WeTV ang dun lang kasi ay season 1-3 and napanood ko na yun lahat.
“Buti naman napanood na kita” nagsimula na ang palabas at masasabi ko na napakaganda at kinikilig ako kina Usagi at Mamo chan. Natatawa rin ako sa bangayan nina Usagi at Chibi Usa.
“Ay oo nga pala kailangan ko na palang kumain” bumangon ako at napa-aray dahil sa pananakit ng braso ko.
“Shet!!” Dahan-dahan akong naglakad papuntang lamesa at binuksan ang nakatakip at bigla akong natakam dahil nagluto pala siya ng tocino na gustong-gusto kong kainin.
“Hmm” ninamnamn ko ang bawat subo ko dahil baka di na naman kami makakain ng karne dahil mahal ang karne rito sa Maynila pero may bigla akong naalala.
“Wag naman sana sabihin ni Xiara kay Tita Maris ang nangyari sa akin” bulong ko. Ayoko siyang mag-alala sa akin kapag nalaman niya ang nangyari sa akin. Gusto ko kasing magfocus siya sa personal life niya. Di na siya nakapag-asawa nang dahil sa akin eh baka mahirapan pa siyang magkaanak dahil sa edad niya.
‘Sana matagpuan na ni Tita ang lalaking magmamahal sa kanya ng lubos’