Chapter 5

1220 Words
Napahikab ako dahil feeling ko ay hinehele ako dahil sa boses ng prof namin sa Health Assessment lecture kaya di ko maiwasan na makatulog sa klase. “Abi gising! Baka makita ka ni Mam” nagising ako sa yugyog ni Megan. “Sorry” umayos ako ng upo at saka ko binuklat ang libro ko. Napalumbaba na lang ako at talaga di ko kayang iwasan ang matulog sa klase. “Hernandez” bigla akong dumilat at umayos ng upo. “What is acronym of IPPA?” Tumayo ako. “I stands for Inspection, P stands for Palpitation, another P stands for Percussion and A stands for Auscultation” sagot ko. “Okay thats good what is the Nursing Process?” “The nursing process is a critical thinking model based on a systematic approach to patient-centered care that nurses use to perform clinical reasoning and make clinical judgments when providing patient care. There are 6 steps of nursing process should call ADPIE” “What is the acronym of ADPIE?” “A stands for Assessment, D stands for Diagnosis, P stands for Planning, I stands for Implementation, and E stands for Evaluation” sagot ko at nagpalakpakan silang lahat. “Okay very good Ms. Hernandez take your sit” umupo na ako at pumalkpak naman si Megan. “Pwede ka pala matulog sa klase eh nakakasagot ka bigla” siniko naman siya at sinuway baka matawag na naman ako at mahirap na yung itatanong sa akin. “Ang galing mo Abi” ngumiti naman ako. “Pero okay ka na?” tumango ako. “Grabe naman kasi si Megan eh kung makatusok akala mo manika si Abi” sumimangot naman ito. “Nagsorry naman ako sa kanya ah” saad niya. “Naku magaling naman na ako eh at saka nilibre niya ako nung thursday eh” mas lalo itong sumimangot. “Naku next time ako naman ang maging partner mo sa pagtusok ng IV” biro ng kaklase namin. “Tapos ano kapag nasaktan kita magpapalibre ka?” ngumisi lang ako. “Parang ganun na nga” pero bumuwelta si Megan. “Ano ka gold? Ayoko nga baka maubos yung monthly allowance ko sayo eh” tumawa na lang kami dahil sa asaran nang dalawa. “Naku baka magkatuluyan kayo niyan ah HAHAHHA” tumawa kami at yung isa naman ay parang diring diri. “Yuck di ako papatol sa mukhang tubol” hinampas ko siya sa braso para sawayin. “At least di ako kamukha ni pulgoso” hinampas niya ang kaklase namin at sinabunutan niya ito. “Oy! Tama na baka magkasakitan pa kayo at biglang may nakakita sa inyo baka bigla kayong mapatawag sa detention office” saway ko. “Eto kasi eh” tinuro niya si Guerrero. “Eh bakit ako masama bang sabihin na mag-ingat sa susunod dahil kapag nagdemo tayo ulit nasa hospital na yung kapartner mo” sumama ang tingin nito saka nito sinabunutan si Guerrero. “Hayop ka” napaaray naman si Guerrero kaya inawat ko na si Megan. “Pigilan mo nga si Megan nagmumukhang dragon eh” sinamaan ko ito ng tingin dahil nagagalit na naman ang dragon– este si Megan. “Tama na ah” kinuha ko ang bag ni Megan at umalis na. “Chat na lang kayo sa gc kapag dumating na yung prof natin palalamigin ko lang yung ulo nito” turo ko rito na halos pulang pula ang mukha sa galit. “Sige palamigin mo muna yan” inakbayan ko na si Megan at sumimangot ito ng tingin sa akin. “Tuwang-tuwa ka naman eh” maktol niya. “Sorry naman nakakatuwa ka kasing makipagbardagulan kay Guerrero eh” biro ko. “Ewan ko sayo” nauna itong lumakad saka ako sumunod sa kanya. *** Lunch time namin at nandito kami sa Sizzling restaurant at bago bukas ito. Dito kami inaya ni Xiara dahil half day lang sila at ako naman ay wala kaming klase ng ala-una dahil nagkaemergency ang prof namin. “Hmm… amoy palang masarap na” “Gustom na gutom ka na ba Jessa?” tanong ni Yam. “Kanina pa ako gutom noh alangan pumunta ako sa cafeteria edi nangkotong na naman ako nung mga alipores ni Leila” lumingon ako sa kanya. “Kotong mean kinukahanan kayo ng pera” tumango siya. “Aba’y ano sila pulis para mangotong” singhal ni Megan. “Kaya nga pumupunta kami sa mga coffee shop sa likod eh para makaiwas sila. Di sila uubra dun dahil nandun yung mga frat members dahil ayaw dun yung mga mayayabang at mga siga doon” paliwanag ni Xiara. “Ay may fraternity pala dito ah” kumibit balikat ako dahil di ko rin alam yun. “Pero mababait naman sila may mga fraternity lang na hindi like sa UST di mababait ang mga yun at laging sila ang catch of attention dahil sa ginagawa nilang gulo” bida pa niya. “Eto na po yung order niyo” kinuha na namin ang mga order namin. “Kanino yung pork sisig?” tinaas ko ang kamay ko. “Buti naman di puro taba” kumuha na ako ng kain saka nilagay sa kanin ang sinandok kong pork sisig. “Ang sarap” sumubo na rin ako at masasabi ko na masarap nga. *Parang gusto ko nang magtanghalian rito” biro ni Jessa. “Wag na teh baka magkahigh blood ka niyan tingnan mo nga yung init ng panahon oh’ tiningnan niya. “At least may student nurse tayong kasama” turo sa amin dalawa. “Wag lang kayo magpapatusok dahil diretso hospital kayo nun” sinamaan ko ng tingin si Xiara. “Ay! Yung ba ang dahilan kung bakit di mo kasama yung couz mo?” Tumango si Xiara. “Oo nabugbog yung katawan niya dahil napagpraktisan siya” parinig niya kay Megan. Tumawa ako ng mahina dahil sumimangot na ito. “Ang sama ng bibig ng pinsan mo” tuamwa na lang ako ng mahina. “May mas malala pa yan” bulong ko. “Magsitigil na kayo at lalamig na yung pagkain natin” sumubo na kami ng pagkain at masasabi ko lang na sobrang sarap niya at di nakakasawang kumain ng ganito pero hinay-hinay lang baka mapunta ako sa hospital ng wala sa oras. Kinagbihan, ay pagkarating ko sa bahay ay naabutan ko si Xiara na nagluluto na ng hapunan namin. “Anong ulam?” “Hotdog, itlog at sapsap” umupo na ako sa sofa. “Bukas na lang tayo ng umaga magnoodles gabi kasi at mainit pa yung panahon” tumango na lang ako. “Kamusta kayo ng labdilabs mo?” napatigil ako sa pagtanggal ng uniform ko. “Hindi pa rin niya ako pinapansin” napanguso ako. “Kahit anong gawin kong pagpapansin di niya pa rin ako nakikita o napapansin. Bigla akong nalungkot. “Ikaw naman kasi eh kung bakit nagustuhan mo ps yung taong di ka nakikita o napapansin” sermon niya. “Sorry naman kung bakit siya pinili ng puso ko eh” sagot ko. “Hay naku! Sana di ka masaktan sa mga pinaggagawa mo” itinuon niya na lang ang pagluluto ng ulam namin. ‘Bakit ang puso ko laging tinuturo ang taong di naman ako nagugustuhan? May reason kaya kung bakit ganun?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD