Napaayos naman kami ng upo at kinurot ng palihim si Kyron dahil nahuli na naman kami ng pamangkin ko. “Kakarating mo lang ba?” tanong ko. Tumango naman siya. “Ikaw Tito ang aga naman ng uwi mo?” tanong niya. “I will continue my work here dahil di ako kampante ng mag-isa rito si Maris” saad niya. Umupo naman sa sofa si Abi at tila may hinahanap ito. “Wala pa po ba si Xiara?” umiling kami. Nakakagulat nga kasi dati ay nauuna si Xiara kaysa kay Abi dahil hanggang 5 pm lang ang klase nito may times lang ito na gabi na kung umuwi dahil may tinatapos. Si Abi naman ay talagang gabi na ito kung umuwi dahil may klase ito sa gabi. “Saan ba nagpupunta yun?” tanong niya. Bigla naman nagulat si Kyron. “Mukhang alam ko na” ngumisi si Kyron. Kumunot ang noo ko. “Anong alam mo?” tanong ko. “Di ba

