Chapter 23

1331 Words
Kabado akong nagsasalita habang nakatitig sa akin si Sir Xieron. “Ms. Hernandez relax” mukhang napansin ni Dean Girlie ang pagiging kabado ko. “Sorry po” paumanhin ko nagsalita na ako kahit naiilang ako sa mga titig niya sa akin. “Grabe ang titig ni Sir Xieron sayo ah kamuntikan ka na ngang magcollapse sa sobrang kabado” sabi ni Megan. “Paano ba naman di siya kakabahin titig na titig siya kay Abi. Naku sana naman patas siyang magrades” kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi nila. “Ano na naman ang pinagsasabi niyo?” kapaymewang kong tanong. “Di mo ba napapansin?” tumaas bigla ang kilay ko. “Na ano?” “Na may gusto sayo ang president ng university” bigla akong tumawa. “Paano naman niya ako magugustuhan ilang beses pa lang kami nagkikita?” tanong ko. “Ewan ko, bakit mo sa akin tinatanong?” parang gusto kong manapak ng kaibigan na pilosopo. “Bakit ganun yung mga pinagsasabi niyo” “Based on observation lang namin” sagot niya. “Pustahan tayo siya ulit yung magiging pannel natin sa case study sa hospital” napatingin na lang ako kay Megan. DAHIL mukhang totoo nga ang sinabi ni Pat dahil siya na naman ang naging pannel namin at ako na naman ang napiling leader sa case study namin. ‘Wala talaga akong pahinga’ Nakikinig na lang ako sa nagsasalita dahil kanina pa ako nagpapaliwanag. Paos na nga yung boses ko di ko man lang naenjoy ang pagstay sa condo unit nila Xiara dahil nakapokus ako sa case study namin sa Community at sa hospital. ‘Pagkatapos talaga nito gusto ko muna makapagrelax’ pero di ko alam kung magagawa ko pa ba yun dahil na rin sa banta sa buhay namin lahat. Hanggang ngayon kasi ay nagtatago pa rin ang Mayor ng San Jose Del Monte sa Bulacan kaya di kami pwedeng maging kampante. Malapit na rin manganak si Tita Maris at masasabi ko lang na sharp shooter si Tito Kyron dahil triplets ang dinadala niya. Three boys na sa tingin ko ay sasakit ang ulo ni Tita sa kunsumisyon dahil feeling ko ay kay Tito Kyron ito magmamana. Wala pa rin silang naiisip na pangalan sa quintuplets. “Abi” lumingon ako at si Keanne ang tumawag sa pangalan ko. “Keanne, ikaw pala” saad ko. “Kamusta?” “Eto, kakatapos lang namin magpresent tapos muntikan na namam ako magcollapse dahil ako na namam ang sumagot sa mga tanong nilang mahihirap” sabi ko. “At least nakayari rin di ba?” tumango ako pero bigla akong lumingon sa likod dahil may masamang nakatingin sa amin ni Keanne. “Sige mauuna muna ako wish ko sana magkaklase tayo sa second sem” tumango ako at nagpaalam na siya sa akin. “Uy! Si Keanne yun di ba?” tumango ako. Kumunot ang noo ko dahil sa dala niya. “Tss! Alam mo na kung saan ito galing” napairap na lang ako. “Alam mo gusto ko na talagang malaman kung sino yung nagpapadala sa inyo ng ganito. Napakatorpe di na lang personal ibigay sayo kaysa pa palihim niya binibigay” saad niya. “Gusto ko nang umuwi dahil gusto ko nang matulog” tumango siya at kinuha na niya ang mga gamit ko at naglakad na kami palabas. *** “Sama ka sa amin baks” tumingin ako kay Xiara. “Saan naman?” tanong ko. “Sa Siargao” “Na ganitong panahon?” tumango siya. “Baks, kahit ganitong panahon ay pwedeng magswimming” kumuha ito ng lipstick at pinahid niya sa kanyang labi. “Saka para na rin makapagrelax ka isama mo na sina Pat at Megan. Matagal pa naman sila makakauwi sa province nila right?” tumango ako. “Sige sasabihin ko sa kanila” dumiretso na ito sa bath section. “SIGE maiimpake lang ako ng gamit” binabaan na kami ng tawag ni Pat. “Ilang araw tayo doon?” tanong ni Megan. “One week daw” sagot ko. “Sana all mayaman” tumawa ako. “Mayayaman daw yung may-ari ng hotel yun daw kasi ang nag-aya sa kanila” paliwanag ko. “Susunduin ba tayo nina Xiara?” tumango ako. “Intayin na lang natin si Pat” sagot ko. “Okay sige CR lang ako” tumayo na siya at pumunta na sa CR. “Wow! Ang lamig ng hangin” pabirong sabi ni Patricia. “Saan ka naman nakikitang may hangin na mainit” sakristong saad ni Megan. “Kapag summer?” napairap na lang si Megan. “Oo nga pala Xiara anong naisipan mo at inaya mo kami sa ganitong panahon?” bumuntong ng hininga si Xiara. “May conference meeting si Jarred dito syempre ako lang ang mag-isa rito alam mo naman yun pranning kaya pinasama ko na lang si Abi at kayo rin para di ako mainip rito” paliwanag niya. “Grabe may pagkaseloso pala yung fiancé mong hilaw” tumawa kami. “Kayo rin naman ah” kumunot ang noo namin sa sinabi ni Xiara. “Anong kami?” tanong namin. “Ahh wala” di pa rin kami naniniwala na may sinasabi ito na ayaw ipasabi sa amin. “Tara na nakahanda na yung room niyo” sumunod kami kay Xiara. “Asan yung jowables mo?” “Ahh nasa meeting na siya kaya mauuna na tayong magpahinga. Tambay muna ako doon sa inyo” tumango na lang kami at pumasok na kami sa isang exclusive hotel rito sa Siargao. “Hayss! Salamat makakatulog na rin ako” nilapag na nila ang mga gamit at humiga sa kama. Pumunta ako sa may veranda at binuksan ko ang pintuan nito. Masarap ang hangin kahit malamig at parang gusto kong lumanghap ng sariwang hangin. “Guys, labas muna ako pasabi kay Xiara nasa dalampasigan lang ako” tumango sila at bumalik na sa pagseselpon. Lumabas na ako at gumamit ng elevator para makababa, pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang hangin na nanggagaling sa hampas ng alon. Pumunta ako sa gawi na doon at nagtampisaw sa tubig sa dalampasigan namiss ko ang pagtatampisaw sa dalampasigan pero walang time at may kinakaharap ps kaming problema. “Hey, Ms. Hernandez” lumingon ako at nakita ko na naman si Sir Xieron na papunta sa gawi ko. “Hello po Sir nagbabakasyon po kayo rito?” tanong ko. “Hmm… parang ganun din but I came here for conference meeting” sagot niya. “You? What are you doing here?” “Ahmm sinama po kami si Xiara dahil wala siyang kasamang magbakasyon rito” sagot ko. “Because of his fiancé na umattend ng meeting, Am I right?” tumango ako. “Paano niyo po nalaman na fiancé po ni Jarred si Xiara?” takang tanong ko. “Some of my colleagues are talking about them” sagot niya. Napatango na lang ako. “It’s getting cold here baka magkasakit ka” pag-alala niya. “Okay lang po ako” sumeryoso ang tingin niya sa akin. “Please don't drop “po” when you talking me, nagmumukha akong matanda na” saad niya. “Sir, president po kayo ng university na pinapasukan ko nakakahiya naman po na di gumamit ng “po” dahilan ko. “And “sir” wag mo akong tawagin niyan dahil di mo ako prof” napakamot ako bigla sa buhok ko dahil ang gulong kausap niya. “Anong gusto mong tawagin ko sayo?” tanong. “Just call my name, mon chéri” nanlaki ang mga mata ko sa tawag niya sa akin. “Sir Xieron, nakaready na po yung dinner niyo” tumango na lang siya at humarap sa akin. “See you tomorrow, mon chéri” bigla akong nagulat na hinalikan niya ako sa gilid ng labi ko. Umalis na siya at ako ay nakahawak pa rin ako sa labi. ‘Siya kaya yung secret admirer ko?’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD