“Ano bang nangyayari anak?” sumalubong sa akin si Inay na habang yakap ko si Abi. “Napakawalang hiya ni Ate nay di niya pinaniniwalaan si Abi sa mga sumbong niya sinaktan pa niya si Abi kaya kahit busy ako trabaho ay kukunin ko na siya sa kanila” galit kong sabi. “Ano ba talagang nangyari, Maris?” “Nay, kamuntikan na pong gahasain si Abi nung asawa niya buti na lang ay nakatakbo siya kina Wendy” galit na sabi ko. “Jusko, ano ba itong pinaggagawa ng ate mo” sabi ni Inay. “Kung sana pumayag na lang siya na kunin ni Kuya Abel si Abi edi sana maayos ang buhay niya ngayon” singhal ko. “Tahan na nandito na si Tita di ko na hahayaan pang kunin ka niya” niyakap ko siya. Galit ako sa kapatid ko dahil sa ginagawa niya sa sarili niyang anak. Yung cellphone na niregalo ko sa kanya ay binenta niy

