Chapter 18

1292 Words
Andito kami ngayon sa may sala at pinag-uusapan namin ngayon ang gagawin ni Xiara sa kanyang kasal. “So, anong plano mo?” Tanong ko. “Kakausapin ko muna yung guy kasi di pa ako graduate tsaka gusto kong maexperience yung buhay estudyante” paliwanag niya. “Pero ang tanong papayag kaya yung guy?” sumimangot ito. “Edi hinde” saad ko. “Pwede mo rin kausapin yung future in laws mo para kausapin din nila yung anak niya” payo ni Tita. “Paano po kapag di po sundin nung guy yung sinabi ko?” “No choice ka pakasalan mo pa rin siya” diretsong sagot ni Tito di na lang siya nakaimik. “Wish ko na sana di siya pumunta sa university bukas” hiling niya. “Baks, wag kang magpakampante dahil bukas parang kabute yan kung saan sumusulpot” paalala ko sa kanya. “Sus! Di yan siya yung nagtakeover ng company ng mga Guamez kaya magiging busy yan. “Talaga lang ha?” “Oo naman” Dahil may balat si Xiara sa pwet ay nandito nga siya sa university at pinuntahan niya yung classroom niya pero ang bruha ay pumunta rito sa klase ko buti na lang ay nakaupo ito sa likod. Naglagay na lang siya ng latag sa baba para maupuan. “Wag kang gagamit ng cellphone rito ah silent mode mo yung phone mo” ginawa naman niya. “Sino ba kasi yung pinagtataguan mo?” takang tanong nila. “Mamaya ko ikukwento sayo sa ngayon ay kailangan natin makinig sa discussion dahil may qyiz daw mamaya after nito” sabi ko tumahimik naman ang dalawa at itinuon na lang nila sa prof namin na nagdiscuss ng lesson. “Sorry for interrupt your class Mr. Lewis may hinahanap kasi yung vice president ng university” kumunot ang mga noo ng kaklase namin. “Sino po yung hinahanap niya, Dean?” tanong ng prof namin. “A girl hidden in your class Mr. Lewis” napapikit na lang kami dahil feeling namin ay si Xiara ang tinutukoy niya. “Wala naman akong napansin na student from other departments dean” seryosong sagot ni Sir Gab. “Well, kasama ko ngayon ang president and vice president ngayon” nanlaki ang mga mata namin dahil nandito na naman siya. Pasimple kong binato ng papel si Xiara. “Xiara, andito yung fiancé mo!” bulong ko. “Hayss! Kailan ba ako makakapag-aral ng matiwasay kung nandito siya at guguluhin niya ako. Wait vice president siya ng university. Baks pagkakaalam ko magkumpetensya sila pagdating sa business world kaya paano naman naging vice president yan” reklamo niya. “Ewan ko” sinipa ako ni Megan dahil tiningnan nila kami kung may katabi kaming estudyante. “Girl, pupunta siya sa likod” itinuon ko na lang yung atensyon ko sa pagbabasa ng lesson namin. “Nahanap ko na” nanlaki ang mata ko at walang pasabing sumigaw si Xiara. “Ay! Paktay!” Nagulat din kami dahil binuhat siya na parang sako si Xiara at lumabas na sila kahit nagwawala si Xiara. “Sorry for disturbing your class Mr. Lewis nag-away lang kami ng fiancé ko kaya tinataguan ako” tumango na lang si Sir Gab at kami ay nakanganga lang. Pero tumingin ng seryoso sa amin si Sir Gab. “Ms. Hernandez, Ms. Sebastian and Ms. Juanito come to the faculty office after ng class natin” napatango na lang kami dahil first time ko napatawag sa office at least di sa detention office. *** “Anong naisipan niyo at nagtago kayo ng student from other departments, girls?” Napatingin sila sa akin. Wala akong choice kung di ipaliwanag ang nangyari. “Sir, di ko naman expect na pupunta rito si Xiara. Nakiusap lang siya sa akin gusto niyang makapag-aral ng walang sumusunod sa kanya saka di naman namin alam na vice president siya ng university” palusot ko. “What's your relationship with the vice president’s fiancé?” tanong niya. “She's my cousin po” sagot ko. Napahilot na lang sa sintido si Sir Gab. “Next time girls kung gagawa kayo ng ganito yung walang cctv. Kahit pagtakpan ko at may evidence naman na pumasok siya ng room ay wala tayong magagawa dahil mawawala sa atin ang lahat ng pinaghirapan natin” tumango na lang kami sa binigay na payo ni Sir Gab kahit may konting kalokohan. “Sir sa banyo may cctv rin ba?” hirit ni Pat. Hinampas lang siya ni Megan sa braso. “Yun ang bawal baka makasuhan sila” napatawa na lang kami ng mahina. “ARRANGE MARRIAGE ang nangyari sa kanila” tumango ako. “Pero kagustuhan nung lalaki kasi nung nagbar hopping kami may naaksidente nakahalikan si Xiara noon di namin alam na tinamaan yung guy kay Xiara kahit isang aksidenteng halik lang” saad ko. “Doon muna tayo sa cafeteria dahil magkaklase na mamaya almost 15 minutes na lang start na ng klase” dumiretso na kami papuntang cafeteria. “Hanap muna kami ng upuan” tumango si Pat at pumila na siya. “Pero nagtataka ako bakit parang magkasundo yung dalawa?” Napahawak siya sa baba niya at nag-iisip. “Di ko alam” sagot ko. Dumating na si Pat at kinuha ko na ang pagkain namin. Akmang susubo na ako nang may lumapit sa amin na isang grupo ng mga babae. Umangat ang paningin ko ay ang grupo nina Leila ang nasa tapat namin. “You must be Megan right?” nakatingin siya kay Megan. “Ako nga bakit?” tanong niya. “Are you flirting with my boyfriend?” nanlaki ang mata namin ni Pat at si Megan naman ay di natuloy ang pagkagat niya ng sandwich. “Hindi, stress na nga ako sa school uunahin ko pa kayang makipag-flirt” matapang niyang sagot. “Pwede rin gawin yun” sagot niya. “Pwes, di ako yun” sabi niya. “Tara na malate pa tayo sa klase” kinuha na namin yung pagkain namin saka sinukbit ang bag namin. Tumalikod na kami at walang pasabi na hinaklit ni Leila ang braso ni Megan. “Kinakausap pa kita” pinaharap niya si Megan. “So, wala ako sa mood na makipag-usap sayo bakit di mo pagsabihan yung BOYFRIEND mo na tigilan na ako” tinanggal niya ang kamay ni Leila sa braso nito. “So tama nga ako nakipaglandian ka sa boyfriend ko you're nursing students right? Akala ko pa naman ang mga nursing students ay malilinis pero marurumi pala” nagulat kami at parang gusto kong suntukin ang pasmadong bibig ni Leila. “Madali lang naman linisin yun kaysa naman sa may sakit di na kayang pagalingin yun” patama niya kay Megan. “What did you say? Anong akala mo sa akin may sakit?” sigaw niya. “Ikaw ang nagsabi niyan at di ako” tumalikod na siya at hinahawakan na niya ang kamay ko. “How dare you b***h!” hinila niya ang buhok ni Megan at pinatulan din niya si Leila. “Megan! Tama na!” Awat namin pero di rin kami nakaligtas sa mga alipores niya. “Hey! Wag kang mangialam!” Pero sumama ang tingin ko sa alipores ni Leila. “Bitawan mo yung kamay mo kung ayaw kong baliin yan” panakot ko. Tinanggal naman niya. ‘Tss takot naman pala siya’ may narinig kami pumito at yung ang guard kasama ang isang guro mula sa detention office. “All of you to the detention office now!” Napaturo kami sa aming mga sarili. “Kasama kami” “Yes!” Nagulat kami ni Pat at kinuha na namin ang bag ni Megan at sumunod na kami sa kanila. ‘Lagot ako nito kay Tita’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD