“Arghh! Putangina! Ang sakit ng ulo ko” napangiwi ako dahil sa pananakit ng ulo ko. “Sige inom pa” napatigil naman ako dahil nandito pala si Kyron sa condo ko. “Kung iniisip mo ay dito ako natutulog nagkakamali ka pagkahatid ko sayo ay umuwi muna ako sa bahay at pumunta ako ulit rito mga 6:00 am na to cook arroz caldo para may laman yung tiyan mo” nilapag na niya ang arroz caldo at nakita ko na may kasama pala itong baso may laman na tubig at gamot. “After mong kumain ay uminom ka ng gamot” saad niya. “Bakit may kailangan ka pa ba?” umiling ako. “May tanong lang ako” “Ano yun?” “May ginawa ba akong kakahiya kagabi?” tanong ko. “Oo, yung gumiling ka sa dance floor doon” napakagat na lang ako ng daliri ko dahil sa ginawa kong kakahiya kagabi. “Paano mo naman nalaman nasa bar ako

