I’m here at his company dahil pinapupunta niya ako doon. Di na sana ako papayag dahil alam ko na lalandiin niya na naman ako at nakakahiya yun kapag may biglang pumasok na empleyado at mabibitin na naman siya.
“Good morning po Mam Abi?” bati ng HR nila.
“Si Xieron ba may meeting pa ba?” tanong ko.
“Wait lang po” tinawagan nito ang secretary ni Xieron.
“Wala na daw po kanina pa po kayo iniintay ni Sir” tumango ako. Feeling ko minadali niya yung meeting niya. Kahit kailan talaga siya ohh.
“Sige salamat” nagpaalam na ako at sumakay na ako sa elevator. Mataas yung building nila nakakalula naalala ko nung first time ko pumunta rito muntik na akong masuka dahil sa kalulaan ko. Sinabihan lang ako ni Xieron na wag na raw ako tumingin sa ibaba para di daw ako malula.
“Good morning Kevin” bati ko sa secretary ni Xieron. Lalaki ang secretary niya sa pagkakaalam ko ay almost 3 years na ito secretary ni Xieron. May nabanggit sa akin si Tito Yuan tungkol dito dahil bago pala naging kami ni Xieron ay pinakiusapan na niya ang kanyang ama na palitan ang secretary nito dahil kapag babae pa rin ang secretary niya ay baka ito raw ang magiging cause ng away namin kapag naging kami. Oo nga syempre di naman maiiwasan ang selosan pagdating sa isang relasyon pero may tiwala naman ako sa kanya na di naman siya gagawa ng pwedeng ikasira ng relasyon namin sadyang katulad lang talaga ni Giselle ang di pa rin makamove-on sa ex dahil laging nandito sa company nila. Nabanggit lamang sa akin nila Winslet sa totoo lang ay di talaga gawain ng isang investor ang palaging pagpunta sa kompanya sadyang makapal lang talaga ang mukha niya. Buti nga di ito pumapasok sa office ni Xieron dahil laging nakaalerto si Kevin.
“Good morning din po Mam Abi may kausap lang po si Sir na isang investor” tumango na lang ako.
“I can wait here na lang” saad ko.
“Maupo muna po kayo kukuhan ko na lang po muna kayo ng maiinom” ngumiti ako at tumango. May nakita naman akong magazine dito kaya kinuha ko muna ito at nagbasa.
“So you here pala” napaangat naman ang paningin ko sa ex-girlfriend ni Xieron.
“Yeah, pinapupunta kasi ako rito ni Xieron” saad ko.
“Talaga para sa pagkakaalam ko busy siya ngayon dahil may mga meetings siya kailangan iattend” tumayo naman ako.
“Sa pagkakaalam ko rin investor ka lang ni Xieron bakit parang lumalabas na secretary ka niya or assistant na alam yung bawat gagawin niya” saad ko.
“At isa pa wala sa bokabularyo ang salitang busy pagdating sa relationship namin. He handle it di katulad ng iba dyan nawalan lang ng oras may iba na agad” patama ko sa kanya.
“What did you say?” ngumisi lang ako.
“Bakit tinamaan ka ba pwede ka naman umilag” lambing na pang-aasar ko sa kanya.
“Mam pwede na po kayo pumasok” kinuha ko na ang shoulder bag ko at pumasok na sa office ni Xieron. Iniwan ko ang babaeng yun na malapit na mag-usok sa galit at inis.
“Sige na pwede ka munang magbreak Kevin” tumango naman siya at umalis na pero may biglang habilin si Xieron.
“Pagkalabas mo please lock the door and ayoko munang may istorbo. Understood?” tumango si Kevin at lumabas na narinig ko lang na naglock ang pintuan ng office niya.
“Ano naman ang binabalak mo?” tanong ko habang nakataas ang kilay ko sa kanya.
“Wala lang” nakataas pa rin ang kilay ko sa kanya.
“Are you hungry?” tumango ako. This past few days lagi akong nakakaramdam ng gutom I think nagstart ito nung birthday ni Lola Fatima. Nagpagtripan ko kasi yun cordon bleu nilang handa pero buti na lang mabait yung nagcater kaya yung ibang natira ay binigay na sa akin.
“Anong food yung binili mo?” pumunta siya sa isang ref at kinuha ang nakapaper bag ang laman ay pagkain.
“Inutos ko muna kay Kevin ang pagbili ng pagkain habang nasa meeting ako kaya alam ko pagdating mo dito ay maghahanap ka ng pagkain” natawa na lang ako sa sinabi niya.
“Hmm…. Amoy pa lang masarap na” saad ko.
“Oo nga pala kamusta yung check up ni Tita?” bumuntong na lang ako ng hininga.
“Positive buntis siya” sabi ko.
“Alam na ba ni Tito Kyron?” umiling ako.
“Sasabihin na lang daw niya kapag uuwi na siya para surprise” sabi ko. Kumuha na rin ako ng kanin at ulam.
“Oo nga pala akala ko ba yung si Mr. Ignatius yung kasama sa mga meeting bakit yung ex mo pa yung dumating?” tanong ko.
“Masama daw pakiramdam ng daddy niya pero may kutob ako na nagdahilan lang siya. She wants to stay in my office pero pinadiretso ko na siya sa conference room” sabi niya. Lumukot bigla ang mukha ko dahil wala doon yung hinahanap kong bakit.
“Why did your face suddenly frown? Do you still want to eat something?” tanong niya.
“Cordon Bleu” maiyak-iyak kong tugon.
“Okay, tatawagan ko muna yung kakilala ko” saad niya.
“Gusto ko ngayon na” huminga ito ng malalim.
“Alright, tatawagan ko na” tinawagan na niya yung kakilala niyang may restaurant.
“Bro, did you make dishes like cordon bleu?”
“Okay, can you deliver it in one box?” tanong niyang muli. Sumama naman bigla ang mukha nito.
“f**k you!” sabay baba nito ng tawag.
“Bakit mo naman minura yung kaibigan mo?” saway ko.
“Well, I need to pay it yung pagdeliver niya here pero siningil niya ako ng 50,000 for deliver lang yung pagkain. Mukhang tama nga yung sinasabi nila Jervy mapapamura ka na lang talaga kay Killian” inaya ko na siya para kumain muli.
“May meeting ka after this?” tumango siya.
“2:00 pm pa naman pero pwede ko naman reschedule it” tumaas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
“Alam ko na yung binabalak mo” tumawa siya at ikinainis ko naman. May tumawag naman mula sa telephone nito.
“Sir, papunta na po diyan yung kaibigan niyo po” rinig ko sa kabilang linya.
“Alright” binaba na niya yung tawag at may kinuhang remote sa gilid niya saka may pinindot. Bumukas naman ang pintuan at nakita ko ang isang maskuladong lalaki na feeling ko may lahi itong Arabo.
“What's up bro!” Sinamaan lang siya ng tingin ni Xieron.
“Grabe bro makasama agad ng tingin parang kunin na ako ng langit” saad ng kaibigan niya.
“Sa tingin mo ba sa langit ka mapupunta?”
“Bakit san ba dapat?”
“Sa ibaba” napahilamos na lang ako sa noo dahil sa pag-aaway nitong dalawa.
“Anyway, himala nandito na pala yung ex mong may saltik” bigla akong natawa dahil sa tawag niya sa ex ni Xieron.
“I have no choice baka biglang magsumbong yan sa daddy niya” saad niya.
“Oh eto na yung pinaorder mong cordon bleu. Kanino ba yan bakit ang dami mong inorder” napatingin itl sa gawi ko.
“Ahh ganun ba” nilahad naman nito ang kamay.
“Bayad mo”
“I send na lang sa bangko mo mamaya” saad niya.
“Kasama yung delivery fee nun ah mahigit 50,000 yun” napangiwi naman ako sa laki ng siningil niya kay Xieron.
“Gago, saan ka ba nakakita ng delivery rider na mahal maningil?”
“Edi sa akin” lumapit na ako sa kanya.
“Sige na pagbigyan mo na” walang magawa si Xieron kung di pagbigyan ang kaibigan niya.
“Thanks bro order ka ulit sa akin” pinakita lang siya ng gitnang daliri. Tumawa lang ng malakas si Killian at lumabas na ng office niya.
“Let's go kumain na tayo para makarami na tayo mamaya” kumunot naman ang noo ko.
“Huh?”
“Wala”