Kasulukuyang ako nandito sa boarding house ni Megan. Dito ko na lang naisipan para makatipid mahal kasi yung condo unit at saka di naman ako magtatagal doon dahil pansamantala lamang hangga't di pa nakahanap ng ebidensya si Tito Kyron laban sa Mayor ng San Jose Del Monte sa Bulacan at mahuli ito dahil sa pagutos niya na sagasain si Lola. Wala naman pakialam ang nanay ko sa nangyari kay Lola kaya siya na lang ang mag-aasikaso ng kaso.
“Palagay na lang sa baba” saad ko.
“Ang hirap pala ng sitwasyon mo” tumango ako.
“Wala naman akong choice kung di sumunod para na rin sa kaligtasan ko. Uuwi na lang ako sa Taguig kapag weekend pero magiging imposible ata” sabi ko.
“Bakit naman?” tanong niya.
“May nagmanman dun sa school natin nung mga nakaraang araw di ko na lang pinansin. Normal lang ang kinilos ko para di mahalata” sagot ko.
“Kailan kaya matatapos yung problema mo?” kumibit balikat ako.
“Sana nga may nakuha na silang sapat na ebidensya para mahuli na si Mayor Limuel. Natatakot rin kasi ako sa kaligtasan ni Tita at yung baby niya” pag-alala ko sa aking Tita Maris.
“Tiwala lang mahuhuli rin iyon” tinapik niya ang balikat ko at inayos ko na ang higaan ko. Buti na lang ay two bedroom sa isang room sa iba kasi double deck ang gamit nila.
“Tumatawag si Xiara” kinuha ko ang cellphone ko at tinapat sa tenga ko.
“Baks, Bakit?” tanong ko.
“Nakalipat ka na?”
“Oo kanina lang” sagot ko.
“May naiwan ka bang gamit doon?” tanong pa niyang muli.
“Meron pero konti lang” sabi ko.
“Wag ka munang pumunta sa bahay natin” kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
“Bakit?”
“Dahil may nagtanong daw sa mga kapitbahay natin na kung may nakatira pa doon sa bahay natin” nanlaki ang mga mata ko sa kinuwento niya.
“Anong sabi ng kapitbahay natin?” tanong ko.
“Sinabi lang nila na umalis na tayo at nagmamadali pa raw pero buti na lang ay di nila nalaman kung saan tayo nakatira pero mas kinakabahan ako sayo baka malaman yung tinitirahan mo” napatingin ako kay Megan.
“Wag kang mag-aalala mabait ang landlady rito nakausap naman siya nila Tita na pansamantala muna akong nandito hangga't di pa nahuhuli si Mayor Limuel” saad ko.
“Okay sige tatawag ako sayo palagi ah” sabi niya.
“Sige salamat”
“Mag-ingat ka dyan ah” ngisi ko.
“Hmmp… ano naman ang nasa isip mo? nag-iingat ako rito” sabi pa niya.
“Sus! Baka di pa nga kayo ikinakasal buntis ka na” biro ko.
“Tse! Subukan lang niya tatadyakan ko yung dalawang itlog niya” tumawa ako ng malakas.
“Oo na uminom ka na lang ng pills” sabi ko.
“Umiinom na ako matagal na” saad niya.
“O siya ibaba ko na ito di pa ako tapos mag-ayos ng gamit ko” binaba ko na ang tawag at tiningnan ko si Megan na nakatingin sa akin.
“May nangyayari na sa kanila?” tumango ako.
“Kailan pa?” tanong niyang muli.
“Hmm.. pagka-alala ko nung nagselos siya kay Gilbert dahil alam niyang may gusto yun kay Xiara kaya nag-alala ako sa kanya baka mabuntis siya ng wala sa oras kaya lagi ko siyang pinaaalahanan” kwento ko.
“Sabagay, nag-aaral pa si Xiara pero pwede naman yun kahit buntis or kasal ns kaya nga lang di talaga maiiwasan ang selosan” saad niya.
“Kayo” kumunot ang noo niya.
“Huh?”
“Kayo ni Jervy, kamusta?” umiwas siya ng tingin.
“Ayaw niya akong tantanan” tumawa ako.
“Di ka talaga titigilan nun” inayos ko na ang mga gamit ko.
“Buti di ka na nagkakagusto ulit sa gwapo?” tanong niya.
“Focus ako sa pag-aaral ko”
“Kahit may secret admirer ka?” biglang nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
“Buti nabanggit mo?” Kumunot ang noo niya.
“Bakit?” tanong niya.
“Gusto kong malaman kung sino nagpapadala sa akin ng mga bulaklak at card” saad ko.
“Alam mo na ba kung ano ibig sabihin nung nakalagay sa card?” Tumango ako.
“Ano yun?”
“My sweetheart” nanlaki ang mata niya.
“Kaparehas na language yung ginamit niya dahil french language din ang gamit niya katulad kay Xiara” sabi ko.
“Talagang may gusto sayo yung nagpapadala ng flowers at card sayo” saad niya.
“Gusto ko talagang malaman kung sino siya”
***
Inabangan talaga namin kung sino nagpapadala ng mga flowers and card sa akin. Nagmumukhang garden na yung bahay st kwarto ko itong si Tita naman ay kilig na kilig na nalimutan na niya ang rules niya sa akin na huwag muna akong magboyfriend sabagay buntis kasi babalik rin yan sa normal kapag nanganak na. Sana nga bago siyang manganak ay wala ng manggulo sa kanila dahil ako ang naaawa sa Tita ko dahil sa nangyayari. Natatakot si Tito Kyron na mastress siya dahil sa kagagawan ng mayor sa pamilya namin.
“Ay may napansin ako” lumingon kami kay Patricia.
“Anong napansin mo?” suminenyas siya na huwag kaming maingay. Sumilip siya sa gilid buti na lang ay vacant namin dahil alam namin na ganitong oras nagpapadala ang secret admirer ko sa coffee shop ni Winslet or minsan sa room namin na walang tao at kami lang ang natitira.
“OMG!!” lumingon kami kay Pat.
“Bakit?” tanong namin.
“Tingnan mo” kumunot ang noo namin at sumilip kami ang akala namin ay nakita na namin ang secret admirer ko pero hindi yun ang nakita ko dahil…..
nahuli namin si xiara at si jarred na naghahalikan at muntik na magmake out dito sa gilid ng restroom.
“Anak ng! Xiara!” Nagulat si Xiara at tinulak niya si Jarred.
“A-anong ginagawa niyo rito?” bigla itong nautal sa tanong niya.
“Ikaw nga ang dapat namin tanungin anong ginagawa mo rito at” tinuro ko ang restroom.
“Dito niyo talagang naisipan magmake out paano na lang kung nahuli kayo?” sermon ko.
“And so” tumaas bigla ang kilay ko sa sagot ni Jarred na ikinadaing niya dahil kinurot siya ni Xiara sa tagiliran.
“Umayos ka nga sa pagsagot sa pinsan ko” inis niyang sabi.
“Okay sorry” inirapan ko na lang siya.
“Ano ba kasing ginagawa niyo rito?” tanong niya.
“Well…” di na ako nakapagsalita dahil sumingit na si Megan.
“Inaalam namin kung sino yung secret admirer niya dahil baka pagalitan siya ng landlady dahil sa araw-araw na pa-bulaklak nung secret admirer niya” saad niya.
“Gusto niyong malaman?” Lumingon kami kay Jarred.
“Not now but soon pinapahinog ka lang niya” mas kumunot ang noo ko.
“Huh?”
“Naku, sorry sa nakita niyo dito kasi naabutan ng kalibugan si Jarred” napatakip na lang kami sa aming mga bibig dahil sa pasmadong bibig ni Xiara.
“mon amour” nakasimangot nitong saway sa kanyang fiancé.
“Sige na mauuna na ako may klase pa kasi ako” umalis na si Xiara at itong si Jarred naman ay hinabol si Xiara at nagpapalambing sa kanyang bebe.
“Sana all may bebe” ngumisi kami ni Patricia.
“Bakit kasi di mo na kasing payagan na ligawan ka ni Jervy” mahinang bulong namin at ngumisi lang kami.
“Ako na naman ang topic niyo. Tigil-tigilan niyo ako kahit kailan di ako papatol dun baka marambol na naman ako ni Leila niyan” deny niya.
“Weh?”
“Ewan ko sa inyo!” tumalikod na ito at nag-umpisa na ng maglakad. Tumawa na lang kami ni Pat at nag-apir sumunod na lang kami kay Megan na nakabusangot ang mukha sa pang-aasar namin sa kanya.