Isang linggo na ang nakalipas ay patuloy pa rin ako nakakatanggap ng mga gifts at bulaklak mula sa Mayor sa San Jose Del Monte, Bulacan. Binibigay ko lang ito sa mga kasamahan ko dahil ayokong malaman ni Kyron ang tungkol rito at baka ito pa ang magiging cause ng pagseselos niya. Di ko pa naman nakikita kung paano magselos ito pero may na naimagine kasi ako kapag nagseselos ito ay baka sa kama na yung bagsak ko at maibigay ko sa kanya ng tuluyan ang virginity ko. Tumawag ako kay Wendy at sinabi sa kanya ang nangyari pero sinermonan niya ako dahil di ko agad ito natawagan. “Kaloka ka bakit mo naman di sinabi agad?” napaupo na lang ako sa upuan at napainom ng tubig. Buti na lang ay nasa kwarto si Abi at nanonood ng anime. Malaki ang pinagbago niya simula nung nag-aaral siya sa Maynila pero

