It's a wednesday today and pumasok na ako dahil baka nagtataka na ang mga kasamahan ko kung bakit dalawang araw akong di nakapasok. Buti na lang ay dumiretso lagnat ang nangyari sa akin kaya valid ang reason ko sa pag-absent pero panigurado ay sandamakmak na katanungan ang ibabato nila sa akin mamaya. Sinundo ako ngayon ni Kyron, ayaw na nga niya ako papasukin muna sa trabaho pero nagpumilit ako. “We’re here” huminto ang sasakyan niya sa tapat ng company. “Di ka ba tatambay muna sa kompanya?” tanong ko. “May aasikasuhin lang ako pero pupunta ako mamayang lunch” tumango ako. “Sige na papasok na ako bye” sabay halik sa pisngi niya. Bumaba na ako ng sasakyan at kumaway na ako sa kanya. Pumasok na ako sa loob at nakita ko ang kasamahan ko na tila may inaayos. “Ay, Maris may nagbigay ulit”

