Nag-aalangan man si Mauve, wala siyang magawa kundi magtiwala kay Lucien. Alam niyang kung tutuusin, mas mabigat na ang banta kay Gael kaysa sa anumang kaba na dulot ng estrangherong ito. Kailangan nilang protektahan ang kanilang pamilya, lalo na si Chin-chin, at kung si Lucien lang ang makakatulong sa kanila, wala silang ibang mapagpipilian. Napabuntong-hininga si Hendrick, nilalaro sa isip ang mga posibilidad. "Alright, Lucien," sabi niya. "What's our plan?” Tumingin si Lucien sa paligid ng bahay, tila tinitiyak na walang makakarinig sa kanila. "Una, kailangan nating alamin kung gaano kalalim ang kontrol ni Gael. Nakapagtanim na siya ng mga tauhan dito sa Pilipinas, at isa sa mga ito ay tiyak na malapit sa inyo. Someone close to your family is feeding him information. Hindi pwedeng mal

