Pagkababa ng tawag ay lumapit si Chin-chin sa tabi ng daddy nito at nagpakalong. Napansin rin ni Mauve ang pag-iba ng ekspresyon ni Hendrick habang may kausap sa telepono. “Daddy, are you okay?” Inosenteng tanong ng bata. Ngumiti agad si Hendrick at hinalikan ito sa noo. “Yes, baby. Okay lang si Daddy.” “You're mad,” turo ng bata sa mukha ng daddy nito. Sumabat naman siya sa usapan ng dalawa. “Happy ang daddy, baby. Diba want mo mag play with daddy? Sige na, play na kayo ni daddy.” Nagliwanag naman ang mukha ni Chin-chin sa sinabi niya. “Yeheyyy.. C’mon daddy.” Sabay hila sa kamay ni Hendrick papunta sa playmat sa may sala. Nang malibang ang kapatid niya sa paglalaro, naupo ulit ang asawa sa tabi niya. “Sino yung kausap mo kanina, Hon?” nag-uusisang tanong niya. “It's nothing, Hon

