Chapter 1
The Goddess Return
Demonique Jhane
Nag mamaneho ako ngayon ng aking sports car para umuwi sa aking mansyon, kagagaling ko lang kase sa Hide Out dahil may importante akong inanunsyo sa lahat ng nandon
uuwi na kase si babe at saktong birthday niya, nalaman ko kasing isu-surprise niya ako, ang kaso lang ay nalaman ko ka agad at kung kaya't siya ang isu-surprise ko
'ohh di ba mas mautak ako' anas ko sa sarili ko, hindi ko tuloy mapigilan ang mapa ngisi dahil sa pumapasok sa utak ko
habang nag mamaneho ako ay biglang nag ring ang phone ko kaya kapa kapa ko itong kinuha sa bag ko
salit salitan ang tingin ko sa harap ng daanan dahil baka maaksidente ako tapos ay muling susulyap sa bag
hindi ko namalayan na mag didilang demonyo ang bibig ko dahil sa hindi ko inaasahan ay may paparating pa lang truck "f*ck" inis na mura ko
agad kong iniliko ang manibela nang sasakyan ko ngunit huli na dahil nagka banggaan na ang kotse ko at ang malaking truck.
mabilis na nandilim ang paningin ko dahil sa malakas na pagkaka-untog ko ramdam ko na din ang pag agos ng dugo mula sa ulo ko hanggang sa mandilim na ng tulyan ito
huling rinig ko na lang ang sigawan ng mga iilang tao at ang paparating na ambulansya na palapit sa pwesto ko
*And Everything Went Black*
Demonise Jhane Black Moon
Punong puno nang mga luha akong tumakbo pa akyat ng rooftop kung saan ang takbuhan ko tuwing sa na papahiya, at na sasaktan ako ay dito talaga ang tungo ko bukod sa kwarto nang palasyo namin
matapos ang nang yari kanina ay mas pinili ko ang mapag isa kaya heto at nag mumukmok ako sa sa isang sulok habang walang tigil na umaagos ang mga luha ko sa aking mga mata
"masama na ba ang mag mahal ? masama bang humingi ng oras ? masama bang humingi ng kahit konting attensyon" sunod sunod na tanong ko sa sarili ko habang naka tingala sa kalangitan
"ginawa ko naman ang lahat pero bakit ganon ? oras, attention, at pag mamahal lang naman ang hinihiniling ko ngunit bakit ganito yung isinukli nila sa akin ?"
"nag mahal lang naman ako pero bakit ako sinasaktan ng ganito"
"bakit ? bakit ganitoo ?"
walang habas na humagulgol ako sa aking palad, pilit kong hinanap sa utak ko ang ka sagutan sa aking mga tanong ngunit ni isa ay wala akong makuha
Nasa ganon akong senaryo nang maramdaman kong may masamang enerhiya pa palapit sa akin, marahas kong pinunasan ang nga luha sa aking mukha
"dahil malandi at mahina ka, kaya bakit ka nila ipaglalaban"
na pa lingon ako mula sa aking pwesto at bumungad sa akin ang mapang insultong tingin ng kung sino
"bakit ka nandito" takot man ay pilit kong itinatago, ngunit masamang ngisi ang ipinakita nito sa akin
na siyang ikinanginig ng katawan ko, isa iyong ngisi na sa akin niya lang ipinapakita 'bakit ba hindi niya ipakita ang ganiyang ugali sa tuwing kasama namin ang ibang prinsesa at prinsipe' gusto kong itanong ngunit parang nawalan ako ng boses at napipi lang sa kintatayuan ko
"alam mo masyado kang panira at harang sa mga plano kaya ang dapat sayo ay mawala" galit niyang sigaw, nag aalab ang mga mata nito sa galit habang naka tingin sa akin
"hu..wag. hu...waggg ka..ng lala...pit" na uutal na sambit na sambit ko ng pa unti unti itong humakbang pa lapit sa akin
na pa hakbang ako pa atras habang hindi ko inaalis ang mga tingin sa kaniya, sakristo itong tumawa na siyang ipinag taka ko
"at sino ka naman para utusan ako" nang aasar na tanong niya, oo tama siya, isa akong prinsesa pero ako ang pinaka mahina sa lahat, pinilit ko naman ang lahat para matuto akong ipag tanggol ang aking sarili ngunit walang saysay ang mga iyon sapagkat ito ay aking hiniram lang
"eh isa ka lang namang mahinang malandi, hindi ba, kaya dapat sayo ay mamatay na" galit na usal ng babae sabay tulak sakin kaya nahulog ako sa roof top
tila nag slow motion ang pag bagsak ko habang naka tingin lang sa babaeng walang awang tumulak sa akin "Bye b***h" huling sambit nito saka tumalikod
"baby sis tara laro"
"nanjan nakoooo"
"wahhhhhhhhh"
"huli kaaaa"
"HAHAHAHAHAHA"
"Wahhhhh mommy help si kuya kinikiliti akoo HAHAHAHA"
----------------------------
"I told you wag mo ng gustuhin ang prinsipeng yon"
"but kuya mahal ko siya"
"but she doesn't love you"
----------------------------
"anak tama ang mga kuya mo"
"pero mommy mahal ko po siya"
"may makikilala kang mag mamahal sayo ng totoo"
tila parang isang palabas na nag balik sa utak ko ang mga panahong masasaya kaming mga mag anak
"iloveyou mom dad and kuya's im sorry for everything" buong pusong saad ko at mapait na ngumiti
"tapos na ang tungkulin ko dito babalik na siya maraming salamat sa ilang taong ipinag ka loob niyo sa akin"
-hay na ko nag papansin na naman sya
-grabe ang landi talaga nya
-seryoso tumalon pa sya jan para lang mag papansin kay prinsipe damon
-nakakaawa naman sya
-bat naaawa eh bagay lang sa kanya yon dahil malandi siya
ka sabay ng pag bagsak ko ay siya rin ang tilian ng mga iiliang studyante habang ang iba naman ay nag umpisang mag bulungan
may na aawa pero mas marami ang na tutuwa, wala sa sariling na pa lingon ako sa pwesto nang aking mga kapatid kasama ang ibang pang mga prinsesa at prinsipe
kita ko kung pa ano na tuwa ang mga prinsipe at prinsesa ngunit na kita ko ang panandaliang lungkot at awa sa mata nang nga kapatid ko ngunit agad ding nawala
'siguro ay namamalik mata lamang ako' mapaklang sambit ko sa isip, nginitian ko ang mga ito ng pagka tamis tamis at "i..im so..sorr...y" nang hihinang bulong ko sa hangin
na pa ubo ako ka sabay ng pag labas ng dugo sa bibig ko dahan dahan kong ipinikit ang mga mata "paalam" huling katanggang saad ko sa ipinikit na ng tuluyan ang aking mga mata
*And Everything Went Black*