EPILOGUE ❦❦❦ Sabi nila pag ikaw ang naging Thysia o alay sa Hari ay napakaswerte mong babae, lahat ng mga bagay na kailangan at gusto mo ay makukuha mo. Pero hindi iyon totoo, magiging alay ka sa isang demonyo at magbibigay ng lakas dito. Maiaahon mo ang buong pamilya mo sa hirap o sabihin na na'ting pati buong angkan mo ay papalarin. Ibibigay ng Hari ang mga nais mo sa buhay kapalit ng pagiging Reyna mo at pagmamahal mo sa kaniya. O sabihin na'ting maiaahon mo ang buo mong pamilya o angkan kapalit ng buhay mo at laman, ibibigay ng hari ang lahat ng iyong nais kapalit ng buhay mo at mapalad ka kung may pagmamahal na mabubuo sa pagitan niyo. Kaso may tanong na iikot sa isip mo bago mo gustuhin maging Thysia. Na ngayon ay alam ko na ang kasagutan. Bakit ni isa walang nababalitang Th

