TROIAN's POV ❦❦❦ Totoo ba 'yung sinasabi nila na kahit makalimutan mo 'yung taong mahal mo sa isipan mo ay hindi mo ito makakalimutan sa puso mo? Ito ba 'yung pagkukulang na nararamdaman ko ngayon? Napatingin ako sa ilog na puno ng mga dilaw na bulaklak, mukhang na hulog sa mga ito mula sa puno na nakapaligid ilog, nagmistulang dilaw ang tubig nito at ang sarap nitong tignan. Ngunit hindi ko naman maiwasan na mapaisip sa nangyari kanina, na sobrahan ba ko sa pagiging isnabero ko? baka nagtatanong lang 'yung tao tapos nilayasan ko kaagad? Napasalumbaba ako at bahagyang napatingin doon sa kabilang bench na inalisan ko kanina, nakita kong nakayuko lang 'yung babae na nagtangka na daldalin ako kanina at mukhang may binabasa sa hawak niyang cellphone. May maikli siyang buhok na hanggang

