DAHLIA'S POV ❦❦❦ Mabilis na sumunod samin ang binata na nagpakilalang si Drakus, hindi niya sinabi ang buong pangalan niya o ang tunay niyang pagkatao ngunit maayos naman siyang nakipag-usap at sumunod sa mga sinasabi namin. Narito kami ngayon sa loob ng bahay-panuluyan at iniintay makauwi ang heneral at si Troian, hindi mawala ang kaba sa dibdib ko dahil hindi namin alam kung wala bang nakasunod sa amoy ng dugo ko o wala bang ibang nakakita sa mga pangyayari kanina, idagdag pa ang ideya na baka hindi makontrol ng lalaki na ito ang pagkagutom niya. "Sigurado ka bang hindi mo hinahanap ang dugo niya?" tanong ni Keegan sa lalaking naka-upo sa isang upuan na nasa aming harapan, nakatali ang dalawa niyang kamay at mga paa ngunit halata sa itsura niya na hindi siya takot o hindi niya iniisi

