DAHLIA'S POV ❦❦❦ Nakangiti siya nang malambing sa'king harapan ngunit bakit parang takot ang aking nararamdaman? May malumanay siyang boses at maanong mukha, kulay dilaw ang kaniyang buhok at sobrang putla ng kaniyang balat. "Cassius, ipagpaumanhin mo kung hindi ako nakapagsabi," sabi ni Troain at agad akong hinila papalapit sa kaniya, tumingin siya saming dalawa at sunod na tinignan si Drakus. "Oo nga hindi ko alam kung anong itatawag ko sa ganapan na 'to, alam mo bang bawal ang pumasok sa kaharian ng ibang hari kung hindi ka nagpapakilala ng totoo mong pagkatao? Kaya nakakapagtaka na nakapasok ka sa loob ng kaharian ko nang walang nakakaalam," sabi niya kay Troian at napakapit na ko sa braso niya. "Sa totoo niyan si Cerberus lang ang dumating nitong umaga, kahit magtanong ka pa sa m

