DAHLIA'S POV ❦❦❦ Katulad nang sinabi ni Heneral Cerberus ay maaga kaming umalis sa vampire kingdom at alertong naglakbay palayo rito upang matakasan si Lazarus habang tirik pa ang araw, parang ang proteksyon na meron lang kami ngayon ay ang mismong liwanag muli sa sikat ng araw at wala ng iba. Palihim at tago rin ang ginawa naming paglalakbay upang hindi na makarating pa ang aksidente sa ibang kaharian at magdulot ng gera sa demon kingdom, dahil kung maraming kaharian ang makakaalam sa paglalakbay namin at sa kalagayan ni Troian ngayon ay mas madami kaming maaring maging kalaban, idagdag pa ang ideya na nasa labas ng kaharian ang thysia, sobrang lantad ako at ano mang oras ay maaaring may sumugod o kumuha sa'kin. Hindi maiiwasan iyon dahil alam naman ng lahat na pagnakain ako ng isang

