❦❦❦ Sa malalim na gabi at tahimik na kapaligiran, may mga aninong gumagala sa dilim at kumukuha ng buhay. Mga aninong kumikitil nang palihim sa bawat bantay ng tribo ng mga uwak. Hindi alam nila Dahlia ang panganib na parating sa kanila habang sila ay mahimbing na natutulog, ngunit maagap na naramdaman ni Keegan ang kakaiba sa paligid, ang paghalo ng amoy dugo sa hangin at ang malalayong higaw sa kagubatan. Agad siyang bumangon at doon na naalerto ang lahat, mabilis na sinindihan ang mga lampara sa paligid at sinuot ang mga sandata sa katawan, hindi na nagdalawang isip si Keegan na puntahan ang reyna niya at agad itong prinotektahan. "May kalaban sa malayo," agad niyang sabi sa hari at reyna, agad naman bumangon si Dahlia habang ang haring Troian ay nag-aayos na para sa labanan. "Ting

