DAHLIA'S POV ❦❦❦ Wala siyang sinayang na oras at tinupad ang pangako niya sa'kin na gagawin niya ang lahat para mailigtas ako at hindi matuloy ang pwedeng mangyari saming dalawa. Mabilis na nagpadala ng mensahe ang hari sa mga karatig kaharian ng Demon Kingdom upang maghanap ng kaniyang kakampi sa gagawin na laban, unang pinadalhan niya ang haring Basil at sunod noon ay ang Vampire Kingdom, humingi rin kami ng tulong sa Orc kingdom ngunit tumanggi sila. Hindi lang ang Orc kingdom kung hindi pati ang ibang kaharian ay ayaw sumali sa mangyayaring gera, hindi sila naniniwala sa maaaring dalhing problema at sakuna ni Lazarus sa underworld. Kaya halos kami-kami lang din ang kakalaban kay Lazarus at pipigilan ang paghahasik niya ng maling paghawak niya sa kaniyang kapangyarihan, nagtatago ri

