DAHLIA'S POV ❦❦❦ Kaba at tensyon ang nararamdaman ng bawat isa sa'min na nasa loob ng silid, panlalamig ng kamay at mabilis na pagtibok ng aking puso. Gusto ko ba talaga malaman ang sagot? O gusto ko na lang tumakbo sa magiging kapalaran ko? "Alam kong pumunta kayo rito dahil sa sumpa ng hari tama ba?" Tanong niya sa'min sabay tingin kay Troian na seryoso lang at nakikinig nang mabuti. Tumango ang heneral bilang sagot sa kaniya at umupo na rin si Clow sa harap namin, humalukipkip ito at tinignan naman si Drakus. "Payag kayo na marinig ng bampira na ito ang sikreto niyo?" Sunod niyang tanong at tumango lang kaming lima, hindi na iba samin si Drakus at alam naman namin bakit siya sumama sa paglalakbay na ito, para protektahan kami at kabayaran na rin sa pagkuha niya sa dugo o pasasalama

