DAHLIA'S POV ❦❦❦ Pasikat pa lang ang araw ngunit nakahanda na agad kami sa muling paglalakbay, ilang minuto na lang ay aalis na kami sa kaharian na ito at muling tatahakin ang landas papunta sa Crow clan, ang pinagtataka ko lang ay hindi pa rin bumabalik 'yung manong na nakasama namin sa pagpunta rito. Kung tutuusin kung hindi dahil sa kaniya ay sigurado kaming na hanap na kami ngayon ni Lazarus at katakot-takot na problema ang haharapin namin kung sakali, kailangan namin siyang pasalamatan at isa pa siya ang susi upang agad kaming makarating sa tribo ng mga uwak. "Na inum mo na 'yung bigay na gamot ng reyna?" tanong ni Larah at tumango ako sa kaniya sabay sukbit ng lalagyan ng palso sa balikat ko. "Tara na?" tanong ni Larah samin at muli kong tinignan 'yung tatlo na halos kakagising

