DAHLIA'S POV ❦❦❦ Pagtapos nang mabaha at masaya naming usapan ni Larah ay agad na rin kaming bumaba sa unang palapag ng bahay na ito upang bigyan ng pagpupugay ang reyna ng kaharian ng mga elves. Sabi kasi ni Jasmine ay iintayin niya kami sa kaharap na bahay nito upang samahan kami papunta sa palasyo ngunit mukhang natagalan kami sa paliligo at wala na ang mga mokong sa sala. "Nauna na sila?" tanong ni Larah habang nag-aayos ng buhok niya at nagbikit-balikat lang ako habang sumisilip sa bintana upang hanapin si Jasmine, kinakabahan kasi ako baka mamaya dinukot na nila sila Troian at ginawanag alipin. "Oh Drakus, andito ka pa?" napalingon ako at hindi ko nakita si Drakus na nakaupo lang pala sa likod ng hagdan, agad namin siyang nilapitan at tinanong kung saan nagpunta ang tatlo. "Naun

