❦❦❦ Kaguluhan ang dinala ng liham na galing sa Demon Kingdom, pagkataranta, takot at kaba ang bumalot sa kanilang lahat nang malaman ang sinapit ng kanilang kaharian. Agad naman binuksan ni Clow ang lagusan papunta sa kaharian at agad silang pumasok doon saka tumambad sa kanila ang karumaldumal na nangyari sa buong kaharian. Puno ng sigawan ang bumabalot sa buong kapaligiran, para bang lumiliyab ang langit ngayong gabi dahil sa mga nagliliparang baga sa hangin at usok na bumabalot sa buong kaharian. Nasusunog ang halos kalahating parte ng kapitolyo at ang palasyo ng Demon Kingdom ay binabalot na ng apoy. Panay ang sigawan mga mga tao at pakikipaglaban naman ng mga kawal ng Demon Kingdom at Ophidian. Ngunit halatang-halata ang pagkatalo nila sa kampon ni Lazarus, napayukom ng kamao ang

