❦❦❦ Walang katapusan na sigawan at paghingi ng tulong ang naririnig nila Dahlia sa paligid ngunit hindi mawala sa isipan niya kung saan hahanapin ang kaniyang mga magulang. Hindi alam kung ano ang uunahin na gawin dahil sa magulong kapaligiran, maraming nagtatakbuhan at naglalaban kahit sana siya tumingin. "Maging alerto kayo, kahit saan direksyon ay may maaaring sumugod sa'tin," paalala ni Heneral Cerberus at pilit na tinuon ni Dahlia ang kaniyang pag-iisip sa gerang nagaganap. Maraming malalakas na kalaban sa bawat paligid ngunit malaki naman ang tiwala niya sa mga heneral na kaniyang kasama at kay Larah na handa lagi upang gamutin sila. Malaking tulong din sa kaniya ang mga marka na ibinigay ng dalawang hari at ni heneral Cerberus dahil ngayon ay nagagamit niya na ito sa labanan at

