❦❦❦ Sa mahabang pasilyo ay nakaramdam si Drakus nang malakas na pagyanig, ang mga dingding ay nagsisiugaan at ang mga kisame ay pawang bibigay na. "Si Troian," bulong niya sa sarili at pupuntahan na sana ang hari ngunit nakakaramdam siya ng isang mahinang presensya ng buhay sa loob ng palasyo kaya hindi niya alam kung sino ang uunahin niya rito. Ngunit nasa tapat na siya ng kwarto kung saan niya nararamdaman ang presensyang iyon kaya agad siyang lumipad patungo sa loob ng silid at doon nakita ang isang lalaking nakahandusay habang nag-aagaw buhay. Agad itong tumingin sa kaniya at agad niya rin naman itong nakilala, siya ang tinutukoy ng hari na kailangan iligtas— si Anubis ang kanang kamay ng hari. Agad siyang tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki at agad itong binuhat palabas ng palasyo,

