Chapter 6

1606 Words
“G-GAB, ano’ng ibig sabin ng babaeng ‘yon?” garalgal ang boses na tanong ni Jackie sa lalaking nakatakda nitong pakasalan. Inabot nito ang kamay ni Gabriel sa pagitan ng mga rehas na bakal. Madilim ang mukhang napatiim-bagang siya. “Huwag kang mag-alala, Jackie. Hindi ko hahayaan na saktan ka ng kahit na sino sa kanila.” Mas lalo itong napaiyak. “Pero ang sabi no’ng babae ipapakuha ka niya dito mamaya at gagawin kang personal pet. Baka kung anu-ano ang ipagawa niya sa ‘yo, Gab. Please, huwag kang pumayag. Huwag mo akong isipin.” Umiling siya ang pinisil ang magkabilang kamay nito. “No. I will never let her hurt you. I will try to negotiate with her. Walang bagay sa mundo ang hindi kayang tapatan ng pera.” “Pero narinig mo ang sinabi nila noong nasa barko tayo, hindi ba? Hindi ito kidnap for ransom. Hindi sila interesado sa pera.” “I doubt it. Wala silang ibang makukuha sa akin kung hindi pera. Kung kaaway ko man sa negosyo ang nagpadukot sa atin, dodoblehin o titriplehin ko ang bayad sa mga taong ito para palayain tayo.” “Natatakot ako, Gab.” Humugot siya ng malalim na hininga at hinalikan ang kamay ng babae. Nasa sinapupunan pa lamang si Jackie ng mommy nito, ipinagkasundo na silang ikasal para sa negosyo ng mga pamilya nila. Kaya habang lumalaki sila, nasa isip na niya na wala siyang ibang babaeng pakakasalan kung hindi ito lamang. He waited for her to graduate from the university in Switzerland. At ngayong nakapagtapos na ito at nakabalik na rito sa Pilipinas, hinahanda na ang pag-iisang dibdib nilang dalawa. In fact, sa susunod na buwan na iyon gaganapin. Kaya hinding-hindi siya makakapayag na may mangyaring masama rito. He needed to protect her at any cost. “I’m so sorry kung nadamay ka sa pagdukot nila sa akin, Jackie. Pero pinapangako ko sa ‘yo, makakalaya tayo rito. Magpapakasal tayo next month at bubuo ng sarili nating pamilya. Kakalimutan natin ang lahat ng nangyari dito.” Tumulo ang luha nito. “Pero paano kung kaaway ni Daddy sa politika ang dumukot sa atin?” Muli siyang humugot ng malalim na hininga. Hindi imposible ang sinasabi nito. After all, napakadumi naman talaga ng politika. Naka-ilang termino na rin ang daddy nito bilang gobernador. Minsan ay magpapahinga lamang ito ng isang termino at tatakbo na ulit. Maraming gustong palitan na ito ngunit palagi itong pinipili ng mga tao dahil sa magandang pamamalakad nito sa kanilang probinsya. “Ang importante ay makaalis tayo dito,” aniya sa babae. “Huwag mo akong alalahanin mamaya, okay?” “B-Baka saktan ka ng babaeng ‘yon.” Hinaplos niya ang pisngi ni Jackie. “Huwag kang matakot. Kaya ko ang sarili ko.” May dumating na dalawang guwardiya at binuksan ang selda ni Gabriel. “Labas!” sigaw ng isa habang nakatutok ang baril sa kanya. “Gab!” umiiyak na pigil ni Jackie. Ayaw nitong binatawan ang kamay niya. “I’ll be okay,” pagre-reassure niya rito. Pagkatapos ay binalingan niya ang mga guwardiya habang nanlilisik ang mga mata. “Siguraduhin n’yong walang mangyayaring masama sa fiancee ko! Kung hindi, ako mismo maghahatid sa inyo sa impyerno!” …… MATAGAL natapos mag-shower si Malicia. Ginamit niya ang pinaka-paborito niyang shower gel dahil dumidikit ang bango niyon sa balat niya kahit ilang oras na siyang natapos maligo. May kasama din iyong perfume na pareho ng amoy. She wanted to look and smell good for that man. Hindi niya alam kung ito na ba ang tinatawag ng iba na kilig dahil tuwing naiisip niyang makakasama niya mamaya dito sa kuwarto ang binata, hindi siya mapakali. Hindi siya inosente pagdating sa karahasan sa mundo, ngunit kahit kailan ay hindi niya pa naranasan kung ano ang pakiramdam nang may kayakap, kahalikan, at katalik. Simula nang magdalaga siya, may mga panahon na nag-iinit ang katawan niya at nacu-curious siya kung ano ba talaga ang pakiramdam niyon. Kaya kahit ginawa niya lamang na rason sa kanyang ama ang bagay na iyon kanina, hindi rin naman iyon nalalayo sa katotohanan. She really wanted that man. In fact, she never wanted anyone like this before. Iba ang init na hatid nito sa kanya lalo na kanina nang halikan niya ito sa labi. Naririnig niya ang ingay ng welding machine sa kabilang kuwarto. Simula kasi mamaya ay doon na niya papatulugin ang bihag kaya kinailangang i-secure ang mga bintana roon upang hindi ito makatakas. Kahit ang sarili niyang kuwarto ngayon ay ipinahanda niya rin sa mga katulong. May mga scented candles doon at mga red rose petals na animo’y nasa honeymoon sila ng lalaki. Nagsuot siya ng red lace lingerie nightgown at ang buhok niya ay bahagya niyang ipinakulot at inilugay. Nakaupo na siya sa gilid ng kama nang dumating ang dalawang tauhan, kasama ang lalaking bihag. Nakagapos ang mga kamay nito at maging ang mga paa. Nakakalakad pa rin naman ito dahil may isang talampakang pagitan ang kadenang ikinabit sa mga paa nito. Bagong ligo rin ang lalaki. Pinabanguhan pa ito at binihisan ng malinis na pantalon, ngunit wala itong suto na pang-itaas. Kaya naman kitang-kita ang kakisigan nito na animo’y modelo sa isang magazine. “Bakit n’yo siya itinali?” kunot-noong tanong niya sa dalawang guwardiya. “Senyorita, baka kasi anong gawin ng lalaking ito sa ‘yo mamaya.” “Give me the keys.” “Pero Senyorita…” Nagkatinginan ang dalawa at napakamot sa ulo. “Ako na ang bahala,” matigas niyang sabi at saka tumayo para kunin sa mga ito ang susi. “Sa labas na lang kayo maghintay.” “Opo, Senyorita.” Nang makalabas na ang dalawa, nginitian niya ang lalaki at nilapitan ito ngunit bigla siya nitong sinunggaban. Ipinulupot nito ang kadena sa kanyang leeg at batok at hinila siya papalapit dito. Napasandal tuloy siya sa matigas nitong dibdib. “Pakawalan mo kaming dalawa ng kasama ko, kung hindi, papatayin kita dito!” galit nitong bulong upang hindi sila marinig ng mga guwardiya sa labas. Imbes na matakot sa lalaki ay pinalakbay niya ang isang palad sa dibdib nito pababa sa six-pack abs nito. “Hindi pa ba klaro ang sinabi ko sa ‘yo kanina? Kapag sinaktan mo ako, doble ang igaganti sa kasama mong babae.” Taas-baba ang dibdib nito ngayon dahil sa galit. Tila nakapag-isip-isip ito dahil bahagyang niluwangan ang pagkakasakal sa kanya bagama’t hindi pa rin siya binibitawan. “Ano ba ang pakay n’yo sa amin? Kung pera ng gusto n’yo, I can pay you double the amount of whoever is paying you.” Ngumiti siya at amused na pinag-aralan ang mga mata nito. “But I don’t need your money.” “Triple. Kung magkano man ang ibinayad sa inyo, titriplehin ko.” Tumawa siya at saka kumalas sa pagkakasakal nito. Bahagya siyang lumayo. “Don’t you get it? Ipinadukot ka ng ama ko hindi dahil sa pera. So you better save your breath and just do whatever I ask you to do. Dahil sa puntong ito, ako na lang ang makakaligtas sa inyong dalawa ng kasama mo. As long as sumusunod ka sa akin, walang mangyayaring masama sa inyo.” Naningkit ang mga mata nito. “At paano kung ayaw ko?” Nagkibit siya ng balikat. “Sabi ko nga sa ‘yo, I want you, so hindi kita papatayin. Ang magsu-suffer ng consequences ay ang kasama mong babae.” Kitang-kita niya ang pagliliyab ng mga mata nito ngunit hindi ito nagsalita. Kinuyom nito ang mga kamao. Muli siyang lumapit at lumuhod sa harap nito upang alisin ang kadena sa mga paa nito. “So you better behave yourself. As long as I’m happy, ligtas kayong dalawa ng babae mo.” Pagkatapos niyang alisin ang kadena, dahan-dahan siyang tumayo sa harap nito habang nilalanghap ang mabango nitong amoy. She smiled at him seductively and began to take off the cuffs from his wrists. Hinagis niya iyon sa carpeted na sahig at muli niyang pinagdikit ang mga katawan nila. Ramdam na ramdam niya ang init nito na mas lalong nagpapasabik sa kanyang p*gkababae. “I promise I’ll also make you happy,” paos niyang bulong. Tumingkayad siya at bahayad itong hinalikan sa mga labi. Nanigas ang muscles nito at bahagyang umatras kaya naghiwalay ang mga labi nila. “Ayaw mo ba sa akin?” nakalabing tanong niya. Alam niyang maganda siya. Sexy. Mestisa. In fact, kung hindi lamang siya anak ni Julio, baka sobrang dami nang nagka-interes sa kanya rito sa isla. “How can I want someone like you?” tiim-bagang nitong tugon. “Pinandidirian kita.” Bahagyang dumilim ang mukha ni Malicia. First time niyang makarinig ng rejection galing sa ibang tao. Nasanay siyang sinusunod ng lahat dito sa isla maliban na lang sa kanyang Daddy Julio. Kaya nasaktan ang pride niya sa sinabi ng kaharap. Gusto niya itong sampalin. Humugot siya ng malalim na hininga at saka tumalikod. It’s fine. I can still tame him. Nang muli siyag humarap, nakangiti na ulit siya. “I love challenges, you know.” Muli niyang pinalakbay ang mga daliri sa katawan nito. “Now, what should I call you?” Nag-iwas ito ng tingin. Mukhang ayaw talaga sabihin sa kanya ang pangalan. “Hmm…” She traced her fingers on his jaw. “How about Adonis? I think that name fits you. Ikaw ang pinaka-guwapong nilalang na nasilayan ko. And I want to claim you.” Bigla niya itong tinulak kaya napaatras ito papunta sa cleopatra chair at napaupo ito sa ibabaw niyon. Agad siyang kumandong paharap sa ibabaw ng lalaki at siniil ito ng napakainit na halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD