“AT IBIBIGAY ko ang babae kay Ben,” dugtong ni Julio na nakangisi. “He can enjoy her for a week or kung hanggang kailan ito makaka-survive.”
Nanigas ang magkabilang panga ni Malicia. Kilala niya si Ben. Iyon ang pinaka-bayolenteng tauhan ng kanyang ama. Oras na malagay sa kamay nito ang isang tao, siguradong hindi na ito aabutan pa ng ilang araw. He was a cold-blooded psychopath. Mas nabubuhay ang dugo nito kapag nakikita nitong nahihirapan, sumisigaw, at umiiyak ang isang tao.
Sinubukan niya ulit kumbinsihin ang kanyang ama. “Sayang naman siya, Dad. She’s quite pretty. Maybe I can have her as a maid. You know I love having beautiful people around me.”
“No, no, no.” Mariin itong umiling. “I can’t keep her for long. May atraso sa akin ang pamilya ng babaeng iyon.”
“Pero, Dad—”
“Malicia.” He looked at her with a warning in his eyes. “Can’t you let me have my dinner in peace?”
Natahimik siya at saka dahan-dahang humugot ng malalim na hininga. Hindi niya puwedeng galitin ang ama dahil baka mas lalo lamang nitong pahirapan ang dalawang bihag o ‘di kaya’y bawiin nito ang lalaki sa kanya.
Naalala niya kung papaano siya tingnan ng babae kanina. Para itong nagmamakaawa at humihingi ng tulong ng tulong sa kanya. Siguro dahil pareho silang babae.
Pumikit siya ng mariin. No! Hindi siya dapat magpapaapekto emotionally sa babaeng iyon. Base sa tono ng Daddy Julio niya, buo na ang desisyon nitong ibigay ito kay Ben. Wala na siyang magagawa pa upang maisalba ito. Kapag hinayaan niya ang sariling maawa rito, siya lamang din ang magsu-suffer. Her guilt would haunt her for days, months, or even years.
Ngunit bigla siyang may naisip na paraan. She would try for the last time.
“Dad, can I just keep her for a few days? I still need her.”
“What for?” he growled without looking at her.
“Well… naisip ko lang na mahihirapan akong i-train ang new pet ko. Hindi ko siya mapapasunod sa mga gusto kong gawin. I need that woman to make him obey me.”
Sa pagkakataong ito ay napatingin na ulit ang ama sa kanya. Nakangisi na ulit ito.
“You’re learning well, Malicia.”
Ngitiian niya ito at kinindatan. “Of course, Dad. I learned from the best.”
“Fine. Fine. You can keep her for a few days pero hindi siya puwedeng lumabas ng kulungan.”
She pouted her lips. “Pero ipangako mong walang gagalaw sa kanya. Kasi baka hindi ko na mapasunod ang pet ko kapag may nangyari doon sa babae.”
Ikinumpas nito ang isang kamay. “Whatever. Puwede na ba tayong kumain?”
Ngumisi siya. “I’m not hungry, Dad. Excited na ako sa bago kong pet. Can I see him now?”
Tila nairita na talaga ito sa kanya dahil tumango na lamang ito bilang tugon.
“Thanks, Dad!” Mabilis siyang tumayo at pinuntahan ito sa kabilang dulo ng mesa para halikan ito sa pisngi. Pagkatapos ay halos takbuhin na niya ang papunta sa kulungan ng mga bihag.
Ang kulungan ay nasa underground ng isla. Pagpasok na pagpasok mo pa lamang doon, sasalubungin ka na ng masangsang na amoy. Naghalo-halo na doon ang dumi ng tao, dugo, at kung anu-ano pa.
Hindi iyon binigyang-pansin ni Malicia.
“Senyorita, magandang gabi po,” agad na bati ng dalawang guwardiya sa pinto.
“Nasaan ang dalawang bihag na dinala rito kanina?”
“Nasa dulo po.”
“I want to see them.”
Sinamahan siya ng isang guwardiya hanggang sa selda na pinaglalagyan ng bihag na lalaki. Bawat seldang nadadaanan nila, sumisigaw ang mga nasa loob at pilit siyang inaabot.
“Palabasin n’yo kami!”
“Tulong!”
Ngunit hindi tinitingnan ni Malicia ang mga ito. Dire-diretso lamang siya hanggang sa dulo.
Magkahiwalay ng selda ang lalaki at ang babaeng bihag, bagama’t magkatabi lamang ang mga ito. Sa kabila ng mga rehas na nakapagitan sa kanila, magkahawak-kamay ang dalawa ngayon habang pinapakalma ng lalaki ang babaeng umiiyak.
“Makakaalis ka na. Ako na bahala dito,” wika ni Malicia sa kasamang guwardiya.
Napatingin sa kanya ang lalaking bihag at nang mamukhaan siya nito ay biglang nag-apoy ang mga mata nito at sinugod siya. Muntik na siyang maabot nito, mabuti na lamang at nakahakbang kaagad siya paatras. Galit na niyugyog nito ang rehas na nakapagitan sa kanila.
“Palabasin n’yo kami rito! Wala kaming atraso sa inyo! Ano bang kailangan n’yo? Pera? I can buy your f*cking soul!”
Amused na tiningnan niya ang lalaki. Kahit hindi masyadong maliwanag ang ilaw dito sa underground, kitang-kita niya pa rin ang kaguwapuhan nito. Gusto niya itong haplusin sa pisngi at pakalmahin.
“What’s your name?” malambing niyang tanong.
“You don’t deserve to know my name!” singhal nito.
Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya. “I’m Malicia. At ako ang prinsesa ng islang ito. You’re mine now. From now on, ikaw na ang personal pet ko.”
Mas lalong dumilim ang mukha ng lalaki sa galit.
“No one f*cking owns me!”
“Hmmm… we’ll see.”
Hindi niya napigilan ang sariling humakbang palapit dito upang haplusin ang pisngi nito. Ngunit bago pa man niya nagawa iyon ay nasakal na siya nito. Hinila siya nito sa leeg kaya halos magkadikit na ang mga mukha nila ngayon.
Ngunit imbes na matakot ay nakangiti si Malicia habang pinag-aaralan ang mga mata nitong kulay tsokolate. Ni hindi niya sinubukang alisin ang kamay nitong nakapulupot sa leeg niya.
“Papatayin muna kita bago mo ako matawag na personal pet!” banta nito.
“Well, you can kill me right here and now.” Tila kumakanta ang boses niya. Napakalambing niyon. “But I’m sure you don’t want your fiancee to also die here kapag nalaman ng dad ko na pinatay mo ako, right?”
Sumiklab ang galit sa mga mata nito. Patulak siya nitong binitawan kaya napaatras siya.
“Don’t you dare touch my woman!”
“Oh, don’t worry. Hindi ako interesado sa kanya,” agad niyang sagot.
Muli siyang lumapit at halos pagdikitan ang mukha nila. “Sa ‘yo ako interesado. At gaya ng sabi ko kanina, you’re mine from now on. Ang treatment mo sa akin ay siyang magiging treatment ko sa kanya. Kung sasaktan mo ako, masasaktan din siya. Kung papatayin mo ako, she will be tortured until she dies. Naiintindihan mo?”
“What do you want?!” gigil nitong sigaw.
Hinaplos niya ang pisngi nito papunta sa mapupula nitong mga labi.
“You,” sagot niya na may mapang-akit na ngiti. “I want you. And later, I’ll ask someone to prepare you and bring you to my bedroom.”
Hinalikan niya ito sa labi.
Ito ang pinakaunang pagkakataon na may nahalikan siya sa mga labi. Napakalambot niyon at para siyang nakikiliti kaya ninamnam niya ng ilang segundo bago siya lumayo at nakangiting iwan ang mga ito.