MALAPIT nang magtakip-silim nang umuwi si Malicia. Malayo pa lamang siya, natatanaw na niya ang pagbaba ng grupo ng kanyang ama galing sa dock. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kabayo upang salubungin ang mga ito.
May mahahabang armas na dala ang kasamahan ng kanyang ama. Napansin niyang pinapagitnaan ng mga ito ang isang babae at isang lalaki.
Nakasuot ng magandang bestida ang babae ngunit nakagapos ang mga kamay nito. Wala na rin itong suot na sapatos kaya paika-ika itong maglakad. Halata ang takot sa maganda nitong mukha.
Nang mapatingin naman siya sa lalaki, literal na napasinghap si Malicia. Parang ngayon pa lamang siya nakakita ng ganito ka-guwapong nilalang sa totoong buhay. Napakaganda ng mga mata nito at napakatangos ng ilong.
Bakit ba kasi mukhang ewan ang mga tauhan ng ama niya rito sa isla? May iilan namang may itsura ngunit wala sa mga ito ang nagpatigil sa tib*k ng puso ni Malicia gaya ng lalaking ito ngayon.
Parang hindi ito tao. Saan kaya ito nakuha ng daddy niya?
Huminto sa paglalakad si Julio nang makita siya nito kaya huminto rin ang buong entourage.
“Daddy!” Nang makalapit na siya, bumaba siya sa kabayo at sinalubong ito ng yakap.
“Bakit duguan ka?” Nag-aalalang tanong nito.
“I killed one of your men,” walang gatol niyang pag-amin.
Natigilan ito at tiningnan siya ng masama. “Why?”
Nagkibit-balikat ang dalaga. “He insulted me,” pagsisinungaling niya at kaagad na iniba ang usapan. Tiningnan niya ang dalawang taong kasama ng mga ito. “Sino sila?”
Nakatingin din sa kanya ang babae na tila humihingi ito ng tulong. Ang lalaki naman ay madilim ang mukha. Kung nakakamatay lamang ang tingin ay baka bumagsak na siya sa lupa. Ngunit mas lalo lamang siyang na-excite at na-curious dito.
Ikinumpas ni Julio ang isang kamay sa ere. “Just some billionaire and his fiancee.”
Umangat ang isang kilay ni Malicia. “Kidnap for ransom?”
Ngumisi lamang si Julio.
“Go back to the mansion. Bakit nasa labas ka pa? I’ll see you at dinner. Ihahatid ko lang ang mga ‘to sa kulungan.”
Sinundan niya ng tingin ang bihag na lalaki nang muling maglakad ang grupo. His eyes were dark and angry. Ayaw man nitong sumunod, tinutulak ito gamit ang baril ng mga tauhan ni Julio.
Hindi niya talaga maalis-alis ang paningin dito. Gusto niya itong titigan magdamag. Gusto niya itong kausapin at tanungin tungkol sa buhay nito. Gusto niya itong hawakan at damhin ang init ng balat nito.
Napabuntong-hininga na lamang siya nang makalayo na ang grupo. Ibinalik niya sa kuwadra ang kabayo at bumalik na sa mansion para maligo at magbihis.
………
“GOOD evening, Senyorita,” bahagyang yumuko si Tikboy nang makasalubong niya ito sa hallway ng mansion. Papunta na siya sa dining hall para sa dinner nila ng kanyang ama.
“Good evening,” walang gana niyang sagot.
Nilagpasan na niya ito ngunit bigla siyang napahinto at hinarap ang may katandaang matandang lalaki.
“Tikboy, sino ‘yong mga bihag na kasama n’yo kanina?” Hindi niya mapigilang tanong.
Buong akala niya ay curious lamang siya sa lalaking bihag at makakalimutan na rin kaagad ito, ngunit hindi siya matahimik. Kanina pa ito gumugulo sa isipan niya.
“CEO ng isang kompanya ‘yong lalaki, Ma’am. At ‘yong babae naman, anak ng gobernador.”
“Pinapa-ransom ba sila ni Daddy?”
Lumingon sa magkabilang dulo ng hallway si Tikboy. Sinisigurong nitong walang ibang tao roon. “Hindi, Senyorita.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Kung gano’n, bakit dinukot n’yo sila? Anong gagawin n’yo sa kanila?”
“Si Bossing lang ang nakakaalam,” paiwas nitong sagot.
Bahagya siyang sumimangot at pinag-krus ang mga braso. “Ito naman si Tikboy, ayaw pang sabihin sa akin. Para naman akong ibang tao nito.”
Alanganin itong ngumisi. “Hindi naman sa ganoon, Senyorita.”
“Sige na kasi. Sabihin mo na. May kinalaman ba sa negosyo? Sa politika?” pangungulit niya pa.
Napakamot ito sa ulo at muling lumingon sa paligid. “Huwag mo na lang tanungin kung bakit, Senyorita. Basta ang alam ko, hindi na sila pakakawalan pa ni Boss Julio. Depende na lang sa mood ni Bossing kung hanggang kailan siya masa-satisfy. Maaaring hindi na sila aabutan ng bukas o puwede ring unti-unti silang ito-torture nang ilang araw.”
Nanlamig si Malicia. Normal na ang ganoong bagay sa isla. Ngunit hindi niya alam kung bakit parang apektado siya para sa lalaking bihag na iyon?
Pinilit niya ang sariling ngumiti. “Salamat, Tikboy.”
Nagtuloy-tuloy na siya papunta sa dining hall. Nauna na roon ang Daddy niya. Nakaupo ito sa isang dulo, at siya naman ay sa kabilang dulo umupo.
“Natagpuan ng mga tauhan ko ang bangkay ng isang babae at isang lalaki doon sa field. Kagagawan mo ba iyon?”
Ikinibit niya ang isang balikat na parang wala lang iyon. “Yes.”
Halata ang inis sa mukha nito.
“I’m so bored, Dad,” agad niyang dahilan bago pa man ito makapagsalita. “Wala na akong mahanap na matinong ka-sparring dito sa isla. Natatakot silang masugatan nila ako. Umay na umay na ako rito.”
“I’ll get you a pet. Ano ba gusto mo? Aso? Pusa?”
Lumabi siya. “I’m bored with them too.”
“Then I’ll get you a tiger.”
“Ayaw ko ng hayop, Dad. Sawa na ako sa kanila.”
Bumuga ito ng hangin. “Then I’ll let the slaves spar with you. Kapag natalo sila, they will be killed on the spot. They will have no choice but to fight for their life.”
Nagusot ulit ang magandang mukha ni Malicia. “Baka naman mapatay nila ako sa galit nila sa akin.”
Nairita na si Julio. “Then what do you want?”
Dahan-dahang ngumiti si Malicia at biglang nagpa-cute. “Bakit hindi mo na lang ibigay sa akin ang dalawang bagong bihag na dinala n’yo kanina? I can use them as my personal pets.”
“No.”
“But Dad.”
“Ano namang gagawin mo sa mga bihag?” pagalit nitong tanong. “Baka hindi mo sila ma-control at mapahamak ka lang.”
“Well… I can put a leash on them. Ipa-parade ko sila sa buong isla since they’re both cute.”
“Pumili ka ng ibang bihag.”
She pouted her lips. “Pero Dad, sila ang gusto ko. Especially that guy. I think he’s cute. I like looking at him.”
Sumimangot ito. “Puwes, pumili ka ng isa. Ang babae o ang lalaki?”
Natigilan si Malicia. Kapag namili siya, iisa lamang ang maliligtas niya. “I want them both.”
“Then forget about it.” Sumubo si Julio at itinuon na ang pansin sa pagkain sa harapan nito.
“Fine, I choose the guy!” mabilis niyang pahayag.
Takang napatingin ito sa kanya dahil naramdaman nito ang urgency niya.
Napalunok naman si Malicia. Hindi siya puwedeng magpahalata sa Daddy niya na gustong-gusto niya talagang iligtas ang estrangherong lalaki. Mas lalo lamang itong mapapahamak.
“Why are you insisting on getting that man?” nagsususpetsa nitong tanong na bahagya pang naniningkit ang mga mata.
“Well…” Pinagpawisan ang mga kamay niya. “Sabi ko nga, I think he’s cute. Maybe next month you can bring me another good-looking guy. Pero sa ngayon, siya ang gusto ko.”
Umangat ang mga kilay nito. “Gusto mong dalhan kita ng mga lalaki?”
Huminga siya ng malalim. “Dad, twenty-two na ako ngayon. Don’t you think it’s time for me to explore my body? Palagi ka na lang nag e-enjoy sa mga dinadala mong babae. Paano naman ako? Gusto ko rin ma-experience ‘yon.”
Napamaang ito sa kanya. Halatang nagulat sa kanyang request. Matagal bago nito nakuhang sumagot.
“Alam mo ba kung ano ang hinihiling mo, Malicia?”
“Of course, Dad. Dalaga na ako. I want s*x. At mukhang nag-e-enjoy kayong lahat na gawin iyon. So bakit pagdating sa akin hindi puwede? Gusto ko ring magkaroon ng mga lalaki.”
Napakamot ito sa panga habang nakatitig sa pagkain.
“Dad, please,” palambing pa niyang pilit.
Mayamaya, tumango-tango ito.
“Fine. You can have him.”