Chapter 3

1132 Words
“SENYORITA, aalis po kayo?” bahagyang nagpa-panic ang boses na tanong sa kanya ng katulong nang makita siya nitong nakasuot ng boots at nagsusuklay sa harap ng salamin. May bitbit itong damit na inihanda nito para pang-bihis niya sa hapunan. Saglit niya lang itong tinapunan ng tingin. Ni hindi niya alam kung anong pangalan nito. She’s already twenty-two years old at sa loob ng dalawampu’t dalawang taon na nakatira siya rito sa Isla de Almino, natuto na siyang huwag maging malapit sa kahit na sinong tauhan nila. In fact, the more na wala siyang alam sa pagkatao ng mga ito, the better. Sabi nga ng kanyang Daddy Julio, hindi siya dapat na-a-attach emotionally sa kahit na ano at kahit sino. Hindi na niya mabilang kung ilang personal maid na ang dumaan sa buhay niya. One hundred? Two hundred? Oras na nagkamali ang mga ito, walang second chance na binibigay si Julio. They would be killed mercilessly. Noong bata pa siya, akala niya ay pinalayas lamang ang mga ito sa isla. Until she discovered one night when her Yaya Isay was dragged out of the mansion and shot on the head. Malicia had nightmares for days. Alam niyang siya ang nagpahamak sa yaya niya dahil lamang tumakas siya para hanapin ang kanyang alagang kuting. At a young age, she learned that she couldn’t keep anything that she loved. Mapapahamak lamang ang mga ito. And so Malicia learned to stop caring. Iyon lamang ang nahanap niyang paraan upang maprotektahan ang sarili niya at ang mga taong nakapaligid sa kanya. She fully embraced her reality. Prinsesa siya ng isang malaking grupo ng mga sindikato. Normal na sa kanya ang kahit na anong karahasan. “Maglalakad-lakad lang ako sa labas,” sagot niya sa katulong. “Pero Senyorita, ang sabi ni Boss Julio pauwi na raw sila at gusto ka niyang makasabay mamaya sa hapunan.” Sumimangot siya sa repleksiyon niya sa salamin. “Anong oras pa naman. Babalik din ako agad.” “Pero—” Hinarap niya ito at tiningnan ng masama kaya napayuko na lamang ang katulong at hindi na nagsalita pa. Lumabas na siya ng kanyang kuwarto at ng mansion. Minsan parang nasu-suffucate na rin siya rito sa isla. Buong buhay niya ay hindi pa siya nakakaalis dito. Dito na umikot ang buong mundo niya. Bagama’t kinatatakutan siya ng lahat ng mga tauhan at binibili sa kanya ng kanyang Daddy ang lahat ng gusto niyang gamit, alam niyang may kulang pa rin. Hindi pa rin siya masaya. Pumunta siya sa kuwadra at pumili ng kabayo. Wala siyang paborito sa mga ito. Paiba-iba ang sinasakyan niya. Natatakot siyang ma-attach sa iisang kabayo dahil baka mawala rin kaagad ito sa kanya. Nang makapili na siya at makasakay sa kulay itim na kabayo, mabilis niyang pinatakbo iyon papunta sa malawak na open field. She always felt free kapag ganitong sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng kabayo at humahampas sa mukha niya ang hangin. At least sa ganitong paraan man lang, makaramdaman siya ng kaunting kalayaan. Nang mapagod ay sumilong siya sa isang puno habang pinagmamasdan ang paligid. Hindi na niya namalayan kung ilang minuto na siyang nakaupo roon nang makita niya ang isang babaeng hinahabol ng isang lalaki. “Tulong! Tulong! Parang awa n’yo na!” umiiyak na sigaw ng babae. Ilang beses itong nadapa ngunit tinatawanan lamang ng lalaki. Hindi naman mabilis ang takbo ng nito. Mukhang nag-e-enjoy itong habulin at takutin ang biktima. Nakita siya ng babae kaya pumunta ito sa direksyon niya. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito. May mga punit ang damit nito at maraming galos sa katawan. “Tulong!” iyak ng babae. Nang makarating ito sa kanya, napaluhod ito sa pagod at niyakap siya sa tuhod. “Miss, parang awa mo na. Patayin n’yo na lang ako. Please. Patayin n’yo na lang ako.” Humugot ng malalim si Malicia at tiningnan ang lalaking humahabol dito. “Aba! P*nyeta kang babae ka!” sigaw pa nito. “At talagang kay Senyorita ka pa pumunta. P*tang-ina! Bitawan mo si Senyorita. Umalis ka diyan!” Sunod-sunod ang iling ng babae habang nakatingala kay Malicia. “Parang awa mo na, Miss. Huwag mo akong ibigay sa kanya. Patayin mo na lang ako. Huwag n’yo na akong pahirapan pa. Please.” “Sino ‘tong babaeng ‘to?” tiim-bagang na tanong ni Malicia. “Naku, Senyorita, malaki atraso niyan kay Bossing. Kaya binigay sa akin. Tirahin ko raw.” Kinuyom ni Malicia ang mga kamao. Alam niyang hindi siya puwedeng makialam sa ganitong mga bagay. Mahigpit iyong ipinagbabawal ng kanyang Daddy. “Bitiwan mo ako,” matigas niyang sabi sa babae. Nang hindi ito umalis, mas lumakas ang boses niya. “Bitiwan mo ako!” pagalit niyang sigaw. Tinulak niya ito sabay bunot sa maliit na baril na nakasukbit sa kanyang baywang at walang pag-aalinlangang binaril ito sa noo. Parang robot na nawalan ng bateryang bumagsak sa damuhan ang babae. “Senyorita! Bakit mo binaril?” angal ng lalaki. Walang ekspresyon sa mukha na nagkibit-balikat si Malicia. “Chasing after a weak and wounded woman is boring.” Binalik niya ang baril sa holster at saka ipinagpag ang mga kamay. “Why don’t you fight with me instead? One on one,” tiim-bagang niyang hamon. Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na umiling. “Naku, Senyorita, hindi puwede.” Tumaas ang isa niyang kilay. “Why? Because you think I’m weak?” “Naku, hindi po. Papatayin ako ni Bossing kapag may nangyari sa ‘yo, Senyorita.” “So sinasabi mo nga na mahina ako.” “Hindi ko po—” Bigla niya itong binirahan ng suntok sa mukha. Natumba ito sa damuhan sa lakas ng impact niyon. “Puwes, lumaban ka.” Nakakuyom pa rin ang mga kamao niya. Handa ulit lumipad. Dahan-dahang tumayo ang lalaki. “Senyorita, ayaw ko pong—” Sinuntok niya ulit ito. This time, tumama iyon sa sentido ng lalaki kaya halos mahilo-hilo itong lumuhod. “Lumaban ka!” gigil niyang sigaw. Muli itong tumayo. “Senyorita—” Sinuntok niya ito sa mata. Napaatras ito at muling napahiga sa damuhan. HIndi pa man ito nakakabangon ay tinadyakan na niya ito sa mukha. Hindi pa rin siya nasiyahan. Inupuan niya ito sa tiyan at sunod-sunod na nagpakawala ng mga suntok sa mukha nito. Hindi siya tumigil hangga’t hindi siya napagod at hindi niya nailabas ang lahat ng galit na nararamdaman niya. Nang matapos siya, hindi na gumagalaw at humihinga ang lalaki. Hingal na hingal na tumayo si Malicia. Binalikan niya ang babaeng nakahandusay sa damuhan. Nakadilat ang mga mata nito kahit wala nang kahit na anong senyales ng buhay. Lumuhod si Malicia sa tabi nito at dahan-dahang ipinikit ang mga mata ng babae. “May you rest in peace.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD