[ 1 ] Betrayal
Chapter 1: Betrayal
Sierra's Point of View
Nanlalaki ang mga matang nakihalubilo ako sa mga taong nakiusyuso sa likuran ng mga military. Tumatagaktak ang pawis mula sa noo ko sa pagtatatakbo at paghahanap sa kaniya na ngayon ay nasa harapan ko na di kalayuan.
Nakatutok ang kanilang mga baril sa iisang direksiyon. . .sa lalaking hawak-hawak ang isang babaeng hostage na biglang bumagsak sa sahig.
Duguan na ang babae at walang malay.
When I shifted my eyes to him, I was already checking if he's alright. And like a bolt, I was deeply hit by something inside as I peered at him. He was pointing the gun for too long bago niya na tuluyang binaba.
Babarilin rin sana si Drew ng terrorista ngunit muli na na namang umangat ang pagkakahawak niya sa baril na sa singbilis ay hindi na mahagilap ng pagkurap mo.
Bang! Bang!
Naunahan na ni Drew at ng mga militar sa pagputok ang nanghostage bago pa man nito napull ang trigger. Lalapit na sana ako sa kaniya, upang agad na malaman ang kondisyon niya ngunit napahinto sa tagal niyang nakatitig sa dalawang bangkay na nakalupasay sa sahig.
Ang dalawang duguang katawan ng terrorista at ng babaeng halatang naipit sa giyera sa kaniyang punit-punit ng pulang damit, nakapaa pa ito at may mga galos sa kaniyang katawan.
Bumalik ang tingin ko kay Drew. Nakatayo lang siya. Hindi gumagalaw. Ano bang hinihintay niya!?
Hindi na ako nakahintay at sapilitang pumasok.
"Kudasai!" sigaw ko sa mga militar ngunit hindi nila ako pinakinggan at hindi rin ako pinayagang makalapit.