Gusto niyang ipanatag ang isip niya, at isipin na safe na sila ngayon lalo na at marami namang mga kapitbahay ang nakisimpatya sa kanilang kalagayan, matapos na sumugod ang Papa nila sa bahay nila, pero hindi e nandun parin ang takot sa puso niya lalo at ito parin sila sa hospital. Dumating na din maging ang mga byenan niya para dumalaw sa kanilang mag ina. "Naku, mabuti nalang at ligtas kayo. Ano ba kasi ang nangyayari sa taong yun, anak niya at apo niya makakaya niyang saktan?" Tanong ng Daddy ni Patrick na di rin niya masagot. Dahil di naman niya alam ang kanyang isasagot, sa mga nakalipas na mga taon ay mas pinili nalang nilang tanggapin na ganun na ang kanilang ama at wala na silang magagawa pa para mabago ang mga kilos nito at ng kabit. "Mapanakit na siya sa akin palang simula na

