Halos isang linggo matapos siya na makalabas ay napauwe silang mag asawa sa San Roman. Dumating si Carlo kasama ang mga kaanak nito na galing daw ng America upang i contest ang karapatan diumano nito sa anak niya. Galit na galit si Patrick at lalong lalo na siya, doon niya napatunayan na tama nga ang sinabi ni Patrick sa kanya. Magiging sandata nila ang kasal nila laban sa lalaki at sa mga kasama nito. "May existing na kasundoan ang aking mga kliyente at kayo Mr. Carlo kaya naman ngayon na nilabag niyo ang kasundoan na iyon ay halos alam nyo na po siguro kung ano ang mga susunod na magiging hakbang ng mga kliyente ko." Sabi ni Lance na di man lang mababakas ang kung anong emosyon na meron ito ngayon. "Karapatan ko naman po siguro attorney na makita ang aking anak attorney!" Giit nito n

