Yakap yakap siya ni Patrick habang patuloy siya sa kanyang tahimik na pagluha, sobrang na drain siya sa mga naging kaganapan kanina. Nakakapanginig ng laman ang mga ginagawa ng mga ito sa buhay niya. Di niya na kinakaya ang kanyang emosyon na parang nakakapanikip na ng dibdib lalo na at parang sunod na ang sakit na kanyang natatanggap mula sa kanyang Papa. "Sobra na sya! Hayop siya!" Umiiyak na bulalas niya, parang sa pamamagitan niyon ay maiibsan ang bigat at sakit sa dibdib na kanyang nadarama. "Calm down baby, makakasama sayo ang stress lalo at kagagaling mo lang ng hospital last week. Ako na ang bahala sa mga iyon, titiyakin ko na makukulong sila." Sabi pa nito. "Sana nga, para naman matahimik na tayo. " Sabi niya nalang dito, di na niya kasi alam kung mangyayari paba ang kanyang

