Pinadali ni Patrick ang construction ng kanilang bahay, maging ang bahay ng kanyang Mama at mga kapatid. Ayun dito ay mas maigi na sa safe na bahay na sila para di na basta basta na makakapasok ang mga taong labas. Maging ang gate na dati ay kawayan lang ngayon ay ginawang semento at bakal, sa barangay nila ay sila lang ang may ganun kalaki na bahay. Mas mahalaga sa kanya ang kaligtasan ng pamilya niya kaysa sa hiya niya sa asawa, na maging ang kanyang mga kapatid at ina ay pinaayos ang bahay. "Kuya Patrick, pag nagtatrabaho na po ako, babayaran ko po ang mga nagastos nyo po sa pagpapaayos ng bahay." Si Shanna isang hapunan na magkakasama sila. "Di naman ako ang gumastos ng lahat, maging ang best friend ng Ate Abby mo ay nagbigay ng mga semento at mga kabilya. Kaya wag mo na iisipin

