Pinili ni Patrick na umupo sila na malayo sa ex niya. Naramdaman din yata nito ang kanyang panginginig lalo na nang mapuna na titig na titig ang kanyang dating katipan sa kanya. "Kailangang may audio po ba Sir?" Tanong ng technician sa mga NBI agents at mga pulis na nandun. Mas mabuti siguro na merong audio ang CCTV para alam nila kung sino talaga ang nagbalak nang masama ng gabing iyon. "Yes, there is a need." Sagot naman ng isa sa mga ito, nahinuha niya na ang lalaki naman ang pinakahead ng mga pulis na nandun sa lugar. At mukhang di lang basta basta ang mga ito dahil kakaiba ang uniform na suot ng mga ito. Parang mga special force pa ang mga ito, naka full gear pa nga ang mga ito. Kanina naman bago sila pumasok ay may mga sasakyan ng pulis din siyang napuna na halos kasabay nilang

