Chapter 38 -Maxwell- Narito ako ngayon sa isang club para mag-inom wala akong pakialam sa mga taong nakatingin o nakakakilala sa akin, huwag lang nila ako sabayan ngayon dahil galit ako at baka sa kanila ko ibunton ang galit na meron ako ngayon. Habang umiinom ako ay hindi ko mapigilan ang magalit kay Ella, hindi nito kayang pakinggan ano man ang nais kong sabihin dito hindi ako kayang paniwalaan nito, masakit para sa akin nawala ito sa buhay ko pero ano ang mgagawa ko kung hindi na ako mahal nito ngayon. Alam kong kasalanan ko naman ang lahat ng mga nangyari sa kanya at handa ko naman iton pagbayaran pero ang iwan ako ay hindi ko mapapayagan. Subalit mukhang buo na rin ang pasya nito kaya wala na rin akong magawa ng sabihin nito sa akin na gusto na nitong makipaghiwalay. Masakit para

