Chapter 39 -Ella Mhay- Dalawang linggo na rin ang lumilipas ng umalis kami ng aking anak sa mansion ng kanyang ama, alam kong may kasalanan din ako sa mga nangyari po sa ngayon ay kailangan ko munang ayusin ang sarili ko at kung sakaling pagtagpunin ulit kami ng tadhana ay muli ko itong tatanggapin sa buhay ko. Nasa kuwarto ako ngayon katabi ang aking anak dahil sa pinatutulog ko ito ng tanghali, inugali ko itong patulugin dahil para maging maganda ang paglaki nito at ang alam ko ay nakakarelax sa bata ang pagtulog ng tanghali at nagiging masigla ito pagkagising niya, gusto ko rin tumangkad ito tulad ng kanyang ama dahila ng high nito ay mukhang sa akin naman anito. Isang katok mula sa pintuan ang narinig ko mula sa isang katulong at sinabi nitong may bisita raw ako ngayon at nasa ito

