"Mahal ko... patawarin mo ako..." lumuluhang sabi ni Vaughn habang yakap ang kaniyang asawa. Wagas din ang pag- agos ng luha ni Faith kaya naman pati sipon niya tumulo na. "Wala kang dapat ikahingi ng tawad dahil sanaiintindihan naman kita, mahal ko. Wala kang maalala kaya naguguluhan ka sa mga nangyayari. Pero ngayong naalala mo na ako, sana wala ng mangyaring hindi maganda sa atin. Sana hindi na tayo magkahiwalay..." "Huwag kang mag- alala, mahal ko... hindi na mangyayari iyon. Magpapagaling lang ako, magiging maayos na ang lahat..." Ginawaran mg mabilis na halik ni Faith ang kaniyang asawa. Pagkatapos ay kapwa sila napangiti na lamang. Tila sasabog ang puso ni Faith dahil sa sobrang galak na kaniyang nararamdaman. Ang ipinagdarasal niya na paggaling ni Vaughn ay nagkatotoo na. "Kuma

