"Mama! Kailangan na po nating umalis dito. Si Vaughn, nabagok!" nanginginig ang kalamnan na sabi ni Faith. "Ano?! Jusko po! Halika na! Teka, tawagin mo ang mga tauhan ni Vaughn na tulungan tayo sa pag- iimpake!" tarantang sabi ni Rosie. Panay ang agos ng luha ni Faith habang nag- iimpake. Tumulong na ang mga tauhan ni Vaughn sa paghahakot ng kanilang gamit. Panay lang ang agos ng luha ni Faith. Naiisip niya na kasalanan niya iyon. Na kung hindi sana niya iniwan si Vaughn, hindi ito madidisgrasya. Pagkasabi pa lang sa kaniya ni Ashton ng balitang iyon, nanlambot kaagad ang kaniyang tuhod. "Faith... anak huwag ka ng umiyak. Kailangan mong maging malakas palagi at kalmado ngayong mahina ang asawa mo. Gusto mo na makita ka niyang ganiyan? Paano siya gagaling kaagad niyan?" malumanay na sabi

