Tanghali na nang magising si Vaughn. Mabagal niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Tumulala muna siya ng ilang minuto bago tuluyang bumangon. Naghilamos siya at uminom ng tubig bago naghanap ng puwede niyang mailuto ngayong araw. Tahimik siyang nagluluto sa kusinang iyon. At nang matapos siyang magluto, dali - dali siyang nagtungo sa silid ni Faith at kumatok. Ilang beses na siyang kumatok ngunit walang lumalabas. Kaya naman pinihit na niya ang doorknob at saka ito binuksan. Ngunit nanlaki ang mata niya dahil wala naman si Faith doon. Malinis ang kuwartong iyon. Wala ng gamit doon si Faith. Bumuga ng hangin si Vaughn bago nagtungo sa kusina. Itinabi niya ang isang plato pati na ang kutsara tinidor na inihanda niya para sana kay Faith. Malungkot siyang kumakaing mag- isa. Nakatulala siya

