"Mabuti nakarating ka. Akala ko, hindi ka darating," sambit ni Ashton nang makita si Vaughn. Yumuko si Vaughn sabay hingang malalim. Sa totoo nga lang, parang gusto na niyang bumalik kanina. Hindi pa nga umaabot ng ilang linggo niyang kasama ang kaniyang mag- ina, magkakalayo na naman sila. "Kailangan eh. Hindi titigil si Alberto hangga't wala siyang nagagawang masama sa akin. Kaya siguro tama lang na tapusin na namin ito..." mariing sabi ni Vaughn. "Baliw na matanda iyon. Pati anak niya, idadamay niya. Pati asawa niya. Mukhang wala nga siyang pakialam sa asawa niya. Ayon sa pag- iimbestiga ko, mukhang ginamit niya lang iyong babae para umangat ulit siya sa buhay. Ang kaso nga lang, sa sobrang gahaman niya at desperadong pabagsakin ka, nag- utos siya sa kung sinu- sino para gumawa ng ku

