"Mabuti naman at nasagot mo na ang tawag ko," wika ni Ashton nang maka- video call si Vaughn. "Pasensya ka na. Pawala- wala kasi ang signal kanina kaya hindi ko muna ginamit ang cellphone ko. Bakit? May mahalaga ka bang sasabihin?" "Iyong isang restaurant mo. Pagdating ng staff mo doon, basag ang mga bintana at glass door. Ni- review namin ang CCTV at pamilyar na tao ang gumawa. Kahit naka- facemask pa siya. Alam kong siya si Alberto." Mariing pumikit si Vaughn. "Kupal talaga ang matandang iyon. Ang tanda- tanda na, hindi pa magbago. Imbes na magpakabait na lang dahil malapit na siyang mabura sa mundong ito, kung anu- anong katarantaduhan pa ang ginagawa." "Anong plano mo? Ipapahuli na natin siya. Para mabulok na sa kulungan." Umiling si Vaughn. "Huwag muna. Gusto ko munang magkaharap

