"Nasaan ang asawa mo, anak?" tanong ni Rosie nang hindi makita sa loob ng kanilang bahay si Vaughn. "Nagpunta po sa bayan. Bumili po siya ng stock natin dito sa bahay. Paubos na po kasi ang mga karne natin dito," sagot naman ni Faith. "Ay oo nga pala. Nakalimutan ko ng magpunta doon para mamalengke. Marunong naman siguro si Vaughn bumili ng mga ganoon 'no?" "Ang sabi niya po sa akin may nakausap daw po siya doon na may farm. Bale mga bagong katay ang bibilhin niya." Tumango na lamang si Rosie. Nagtungo siya sa likod ng kanilang bahay upang simulang isampay ang mg damit na nilabhan niya. Hindi pa man siya nagsisimulang magsampay, may tumawag sa kaniya. Kumunot ang kaniyang noo. Ayaw niya sanang sagutin ang tawag ngunit naisip niya na baka importante ito. "Hello, mahal kong asawa. Kumus

