Caroline's Point of View! Batid kong natigilan siya sa nakita. Dahan-dahan at parang wala sa sarili siyang umalis sa ibabaw ko. Hiyang-hiya rin ako sa hubad kong katawan kaya ginamit ko na ang paa ko para makumutan ang aking kalahating katawan. "So, may anak na pala kayo ni Lucas?" Tila ba nanghihinang saas niya. "D-daxen, I can explain--" "No. It's okay. Kahit masakit ay tatanggapin ko. Ayaw kong makasira ng pamilya kagaya ng nangyari sa atin. Akala ko ay akin ka pa. Hindi na pala. Nagkamali ako. I'm sorry." At habang sinasabi niya yun ay inaalis niya ang belt ko na nakatali sa dalawang kamay ko. Agad kong binalot ang sarili ko ng kumot at bahagyang umupo. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng pilit siyang ngumiti sa akin. Nakangiti siya pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata.

