Caroline's Point Of View He continue kissing me, pero sabay kaming napatingin sa bag ko ng mag-ring ang cellphone ko. Binitawan niya ako. Lumayo siya sa akin. Akala ko ay aalis na siya ngunit nagulat ako ng kunin niyang bigla sa akin ang bag ko at ilayo! Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi niya pwedeng makita ang laman ng bag ko sa loob! "Daxen? Ibalik mo sa akin yan!" Sigaw ko sabay lapit at habol sa kanya. Pilit kong inaagaw sa kanya ang bag ko ngunit hindi maabot ng kamay ko. Matangkad ako pero mas matangkad naman siya kesa sa akin. "Daxen! Ano ba?!" Gigil na sigaw ko na dahil ayaw talaga niyang ibalik sa akin. I glare at him. "Kapag hindi mo ibinalik sa akin yan--" "What? Anong gagawin mo? May tinatago ka ba sa bag ko kaya ganyan ka na lang ang reaksyon mo?" He smirk.

