Priscilla's POV 3:19 PM – Saint Clara Memorial Hospital Tahimik. Walang ingay kundi ang paos na huni ng heart monitor at ang mahinang paghinga ng taong nasa kama. Ako? Nasa monoblock chair. Pagod. Halos di na makagalaw. Yuko ang ulo ko sa tabi ng hospital bed ni Francine, habang hawak-hawak ko ang kamay niya—malamig, maputla, pero buhay. Still fighting. Hindi ko na alam kung ilang oras akong gising. O kung ilang beses na akong humikbi habang tulog ang lahat. Pero ngayong nandito na kami… safe—kahit papaano—hindi pa rin ako mapalagay. Hindi pa rin ako buo. Tumitig ako sa mukha ni Francine. Tahimik siyang natutulog. May benda ang tiyan niya. Nakakabit pa rin sa dextrose. Pero kahit gano’n, maganda pa rin siya. Peaceful. Parang hindi siya sinaksak. Parang hindi siya tumakbo para sa aki

