CHAPTER 19

2518 Words
Priscilla's POV Nag tataka ba kayo kasi biglang nag bago ang ihip ng hangin? Kung noon bwiset na bwiset ako kay reese ngayon naman ay gusto ko syang ligawan. Kung noon halos isumpa ko na sya tapos nga handa na akong hintayin sya. Hays. Ako din eh. Nabigla din ako sa mga nangyayare. Pero di ko na itatago pa kasi dun din naman mapupunta yun ehh. Nagsimula kasi yan dito.... FLASHBACK "BILISAN MO ANDREW! MATATAKASAN NANAMAN NILA TAYO! MALALAGOT NANAMAN TAYO KAY MS. FRANCINE!" Sigaw ng isa sa mga lalaking humahabol sa amin ni jaz. Hayss ewan ko ba sa mga ito kung anong trip nila. Sa araw araw na ginawa ng diyos ay wala silang palya sa pag habol sa amin. Namamayat na nga ako dahil sa kakatakbo gawa ng pag habol at pambubully sa amin ng mga shutang inang mga studyante na ito na kamag anak yata ni poncio pilato. "Dito tayo, bilisan mo!" sabi ni jaz. Hindi naman sya pasigaw yung sakto lang. Yung alam naming pareho na maririnig ko yung sinabi nya. Teka... Bakit sa canteen? Edi mas lalo kaming mahuhuli dito! Gusto ko sanang mag reklamo kaso huli na ang lahat nang biglang may naramdaman akong paa na pumatid sa akin. Parang nag slowmotion ang paligid kaya ipinikit ko nalang yung mata ko at nag aantay na bumagsak at tumama ang mukha sa malamig na sahig ng canteen. Pero ilang sandali pa ay huminto na ako sa pag bagsak at.... Bakit hindi matigas yung nabagsakan ko? Bakit ang lambot? Dahan dahan akong nag mulat ng mata at.... At..... SHUTANG INA! Si...si reese.... Nakapikit sya... Tapos.... NAKADIKIT YUNG LABI KO SA LABI NYA! PAKTAY NA TALAGA! Nagulat ako nang biglang magmulat ang mata nya at talagang nanlaki yun nang makita nya akong nakapatong sa kanya at nakadikit ang labi ko sa labi nya. Tatayo na sana ako nang umaray sya. Mas lalong nanlaki ang mata namin tapos narinig ko pang nag bulungan yung mga bubuyog sa paligid nang mapagtanto ko na... Yung maga kamay ko.... Nakahawak sa ahem.... Sa papaya? Melon? Basta doon sa ano nya. Naramdaman ko nalang na naitulak nya ako at tumama yung likod ng ulo ko sa lamesa na nasa likuran ko lang since medyo nakaluhod ako. WTF! Ang sakit nun ah. For sure mag kakabukol ako! "WHAT THE HELL! DID YOU JUST KISSED MY BEST FRIEND AND TOUCH HER BOOBS? MANIAC!" Sigaw sa akin ni francine habang yung isa pa nilang friend ay nakaalalay kay reese. Nakita ko naman si bailey na nakaalalay din kay reese pero nag aalala syang nakatingin sa akin. "BOOOOOOO" Yun lang yung huling narinig ko bago ko maramdaman yung malamig na pinag halong coke at juice sa buo kong katawan. Tangina. Ang lagkit ko nanaman. Tumayo ako at at ramdam na ramdam ko na yung dugo ko na kumukulo na talaga. Pikon na pikon na ako sa mga gagong ito eh. Narinig ko pa yung iba na hinahamon ako kasi nga pikon na akong tumayo at anytime pwede akong sumugod. Mukhang kailangan na nilang turuan ng leksyon. Tatanggalin ko na sana yung wig ko pati yung salamin ko nang pigilan ako ng dalawang kamay mula sa gilid ko. "What's happening here?" Sabi nung babae. Mukha namang natakot yung mga studyante kaya kanya kanya silang balik sa pwesto nila. Tumingin ako sa babae and to my surprise... Si ate Daphne pala ito and yung nasa kabila konay si kuya zeus. Napatawa nalanh sa isip ko kasi... Sino ba ang may lakas ng loob na kumalaban sa isang Mondragon. "Binubully nyo nanaman itong babaeng ito tama ba?" sabi pa ni ate Daphne. Tumawa si francine at mayabang pang nakapamewang sa harap namin. "Yan? Bakit naman namin pag aaksayahan ng oras yang babaeng yan? Di naman sya mahalaga eh." Pag sisinungaling ni francine. Napataas yung kilay ko parang si aye Daphne lang. "Sigurado ka, Cortez? Baka pag pinareview ko yung mga cctv footage dito sa canteen baka pag sisihan mo." Pananakot ni ate daphne. Pero matapang talaga si francine at di man lang nagpatinag. Mag sasalita na sana sya nang lumapit yung isa pa nilang kaibigan na si carly ata ang pangalan. Masasabi ko na mas mukhang mabait at may awa si carly kaysa kay francine. Mukha kasi anak ni satanas so francine eh. May binulong ito at saka hinatak si francine. "Hindi pa tayo tapos Mondragon." yun lang ang huling salita na sinabi ni francine bago sila tuluyang makaalis. Nakita ko pa si reese na nakatingin sa akin. Pero bakit ganun? Bakit di ko nakikita yung galit sa mata nya? "Nasaktan ka ba, pris?" tanong ni kuya zeus sa tabi ko. Umiling lang ako para sabihin na wala pero lumapit si jaz sa amin at kinuwento na tumama nga yung ulo ko sa lamesa. Agad naman nila akong dinala sa clinic. Ang OA din ng mga pinsan ko minsan eh hahaha. Nang masure na wala namang problema at tanging bukol lang ang natamo ko ay tinawagan ni ate daphne yung driver ko. Nag taka si jaz sa narinig nya at hindi na nakapagpigil kaya nag usisa na. Di ko nadin naman tinanggi at nagsabi na din ako ng totoo kasi sabi nya nahahalata nya na din naman daw. Alam ko naman na mapag kakatiwalaan ko si jaz eh. Mabait kasi sya. Di gaya ng pinsan nyang si reese. Nauna akong umuwi sa bahay. Nag taka pa yubg mga katulong kasi basang basa ako. Di na naman nila ako pinag hinalaan kasi natanggal ko na yung wig ko pati salamin ko. ----------- It's been 2 weeks since nangyari yung insidente na yun sa canteen. Di na tulad ng dati na kapag nakikita ako no reese ay nginingisihan nya ako or di naman kaya ay iniirapan. Ngayon kasi kapag nakikita nya ako ay umiiwas na sya ng tingin or di naman kaya ay lalayuan ako. And simula nung araw na yun hindi na ako makatulog ng maayos. Kasi lagi kong naiisip yung nangyare tapos minsan napapanaginipan ko pa. Uwian na nang mapagdesisyunan kong tawagan yung mga ungas at papuntahin sa bahay para mag kwento. Feeling ko kasi kailangan ko nang mailabas ito para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko baka sakali din na umayos yung tulog ko. Pag uwi ko ay nag ayos muna ako ng mga pinamili kong stocks ng foods. May sarili kasi akong pantry dito sa room ko para in case na magutom ako sa madaling araw ay hindi ko na kailangan pang bumaba at magutos sa mga katulong. Saktong ang paglabas ko ng banyo at naka tapis lang ako ng towel nang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Danielle. "HOY SARADO NYO YAN!" Sinigawan ko na kasi mukhang wala syang balak na isarado yung pinto laso titig na titig sya sa akin. Natauhan naman sya at saka sinara yung pinto. Nilock nya pa nga eh. Mabilis lang akong nagbihis kasi mainipin yung mga yun eh. Baka sirain nila yung pinto ko. “So whats up our....Long lost bestfriend.” Danielle said And then sit beside me. Inihilig nya pa yung ulo nya sa balikat ko at niyakap ako sa tagiliran. Ilang beses ko bang sasabihin na Sanay na naman ako sa pagiging sweet sa akin nitong si danielle. Mas matanda lang sya ng isang taon sa akin pero Mas matangkad ako sakanya. “Ako lang ba pero mukhang may malaking problema ang bunso natin guys? Napapansin nyo?” Si althea. Hinawakan nya pa yung mukha ko tsaka nya binaling kaliwa at kanan. “Guys! I’m fine, Okay?” Ginulo lang ni Vera yung buhok ko na parang isa akong makulit na bata. Sinamaan ko naman sya ng tingin dahil alam nya naman na pinaka ayaw ko sa lahat ay yung ginugulo ang buhok ko. “Is that so? Sa tingin mo ba naniniwala kami bunso?” Nakangisi itong nakatingin sa akin. Tumayo na din yung iba pa naming kaibigan at pumwesto pabilog at pinagitnaan ako at si danielle na nakayakap parin sa akin. “Alam kong hindi! Okay na?!” Naiirita na ako sa totoo lang. Alam ko naman na di sila naniniwala pero wag naman nila akong paaminin sa paraang ikaiinis ko. “So ano? Huhulaan nalang ba namin yang problema mo o Mag kukwento ka kahit abutin tayo ng Tatlong araw?” Sabi ni Motmot. Motmot short for timothy wahahaha corny ko diba? Pero back to reality. Napasigh nalang ako. Jusko wala din naman akong magagawa. Alam ko naman na di nila ako titigilan hanggat di ako umaamin. “So eto na nga.” Panimula ko. Nag siupo naman sila sa lapag na akala mo’y ako si lola bashang at sila yung mga batang nakikinig. “There is a girl that i really hate. Actually kinasusuklaman ko sya, sinusumpa ko sya.” Alam kong bakas ang inis sa mukha ko pano kasi yung epal na impakto sa gilid ko nag pipigil ng tawa. Kala nya naman di ko sya nakikita. “Ano Kyle? Okay ka na ba? Pwede na ba ako tumuloy dito sa pag kukwento?” Tumango naman sya saby thumbs up pa ang ogag. Inirapan ko lang sya pero nag peace sign sya sa akin sabay kuha sa Bote ng soft drinks na kanina nya pa iniinom pero di nauubos. “So yun na nga. In short galit na galit ako sa kanya. Di naman lingid sa kaalaman nyo na nag papanggap lang akong mahirap na nerd sa FSU diba.” Sabi ko pa. Nakwento ko kasi sa kanila yung abaout sa trip ko. Tumatango tango lang naman sila at nakikinig di na katulad kanina na nag pipigil sila ng tawa na parang mga tanga. Ganyan lang talaga kami. Pinag tatawanan ang isat isa pero nag tutulungan. “And then may isang babae na ubod ng yabang! Matapobre sya mga lalabs! Tas ang sama sama ng ugali nya! Naiintindihan ko naman na naiinis sya sakin kasi alam nyang may gusto ako sa jowa nya. I mean Crush lang naman yun eh! Di ko naman pinantasya na maging jowa ko din yung jowa nya! Sakanya na yun noh!” Sabi ko bago Kumuha ng chocolate sa table. Kinain ko ito at nilunok muna bago nag patuloy sa nakakabwiset kong karanasan. “So Eto na. Ang bunso nyo nananahimik lang at di na lumalaban sa mga patutiyada nilang bulok. Bullyhin daw ba ako! Alam nyo yung nakakabwiset? Sa daming nag kakagusto dun sa bf nya ako lang talaga yung pinag initan nya pati ng mga alipores nya! Eh di naman ako pwedeng lumaban at basta basta nalang ipakilala kung sino talaga ako. Buti nalang mabait si Fafa Bailey...Pero Impakta Yung girlfriend nya na ang sarap lang ilibing ng buhay!” Mahabang lintana ko. Napahagalpak nalang sila ng tawa kaya Mas lalong sumama ang timpla ko. Isipin nyo naman kasi diba? Papasok sila bigla ng kwarto ko. Tas excited sila sa ikukwento ko tapos nung nag kukwento na ako tatawanan lang nila ako ng malala? Sige sabihin nyo sakin na di din kayo mababanas dun. “So yun lang yung problem mo, Bunso? Alam mo na naman kung paano ihandle yang mga bully na yan diba? So ano pa matutulong namin sayo?” Sabi ni athena habang ngumunguya ng cake. Napailing nalang ako kasi wala naman akong biniling cake. Panigurado naghalungkta sya sa ref sa kusina eh. Sinabi nalang hindi yun yung problema ko. “No no. I mean hindi yun ang problema ko.” Sabi ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Cath at Masungit na tinanong kung ano daw ba talaga yung problema ko. “Hindi pa kasi ako tapos. Pano kasi may kadugtong pa yun kaso bigla kayong tumawa ng malala diba? So paano ko matutuloy yung kwento? Itong si Athena nag comment na so pano?” Napa maang sila sa sinabi ko kasi totoo naman. Sabihin nilang hindi papalayasin ko sila ngayon din. “Okay, so continue. Makikinig na kami this time. But make sure it make sense or else.” Banta ni vera bago umupo sa gitna ni Joseph at ni Domi. “So yun nga. Nasabi ko na naman na talagang hate namin ang isat isa diba. Kaso kasi may nangyari kasi na ano ehh.” Pabitin na sabi ko sabay yuko. “Na ano?” Tanong ni Vera na naka serious tone na at parang pinaparating na may masamang mangyayari sa akin kapag hindi nya nagustuhan yung sasabihin ko. “Sa canteen. 2 weeks ago. Alam ko naman na dapat move on na ako dun. Kasi nakikita ko din naman na parang wala nang epekto sakanya yun...” Pabitin ko ulit. This time napatingin na ako kay vera na nakasimangot na at nag hihintay na ipag patuloy ko yung kinukwento ko. “Ano nga?!” Sabay sabay nilang sabit at halatang inis na sa pang bibitin ko sa sasabihin ko. “Kasi.....I....I” “I, Ano?” Si Vera na naiinis na talaga. “I accidentally k-kiss Her...” Sabi ko sabay kamot sa batok ko kahit di naman yun nangangati. “Jusko, Bunso. Kiss lang pala eh- Wait what?” Nag second look pa sa akin si Joseph saka nakatingin sa akin with gulat expresion “Whit my hands on her b-boobs” Crooo Crooo Crooo Crooo END OF FLASHBACK So yun. Ganun yung nangyari. Pinayuhan lang nila ako na bakit hindi ko daw ligawan. Ligawan? In Princess Diana look? Di na uy. "Hi." Napaangat ako ng tingin sa nag salita and aaminin ko sa inyo. Napanganga ako sa dyosang nasa harap ko. Si reese na naka two piece na color red. "He-Hello. Hehehe" See? Ay nako! "Uhm mag suswimming lang ako. Sama ka?" Aya nya sa akin and syempre... Ako pa ba ay tatanggi sa paanyaya ng isang dyosang nasa aking harapan? Wow. Pang sinaunang tao lang yung pag kakasabi ko nun ah. "Sige. Uhm tara." "Di ka na mag papalit ng panligo?" tanong nya. "Nope. Nakapanligo na naman ako. Mag suswimming talaga ako dapat kanina kaso mainit pa yung sinag ng araw. Kaya nagpalipas muna ako ng oras dito. Halika na." nagpatiuna na ako para sana buksan yung pintuan kaso napansin kong di pa sya nagalaw sa kinatatayuan nya. "You mean let's kiss?" "Huh?" Luh anudaw? "Sabi mo diba? Halikan na? So it means gusto mo na mag kiss tayo?" Gusto ko mang matawa pero naunahan na ako ng pamumula ng mukha eh. Yun pala yung pag kakaintindi nya. Ay jusko reese. Hahahahaha awatin nyo ko... Pakakasalan ko ito ngayon na! "Hahaha alam mo reese. Kahit gaano pa kita gustong halikan ngayon, may respeto ako sayo. Tsaka isa pa manliligaw palang ako sayo, hindi pa kita girlfriend. Ang ibig ko kasing sabihin is let's go. In tagalog Halika. Na. Or tara na." Namula sya kaya napatawa ako. And ayun. Nag swimming kaming nag aasaran. Pinag tatawanan ko sya hanggang sa mapikon sya. At hahampasin nya ako sa braso. Ganun lang tumakbo ang araw namin ngayong December 29. Ilang araw nalang...Hindi mo nanaman ako papansinin. Sabagay sino ba naman ako para pansinin mo sa katauhan ni Princess Diana Tolentino. Sana lang bigyan mo ako ng pagkakataon. Hayyy Reese Sanford.... MAHAL NA KITA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD